Distance means so little when someone means so much.
We are the perfect couple; we're just not in the perfect situation.
Distance never separates two hearts that really care,
for our memories span the miles and in seconds we are there.
But, whenever I start feeling sad, because I miss you,
I remind myself how lucky I am to have someone so special to miss.
She's my first love and, I think, she's the one for me. She's beautiful and hot, that's why she's kind of famous sa social networking sites like Facebook and Friendster (sucks!), that's how people describe her. For me, she's really beautiful, even without make up. She's sweet, caring, sincere magmahal, very scary… basta, she's one of a kind.
November 9, 2009 was the day it all started. It was a boring Monday night and I was playing Facebook games (sikat kasi yon dati); then, someone added me.
Samantha Lopez added you as a friend.
I accepted the request, then, the chatbox popped.
Samantha: Hello
Shawn: Hi… :)
Samantha: Thanks for the add.
Shawn: Welcome.
I viewed her profile and the first thing that entered my mind was ‘she's so hot.’
Samantha: You have Yahoo Messenger?
Shawn: Yes, I have. Ikaw?
Samantha: Meron din. Add kita.
Shawn: Nako, ako nalang mag-add sayo.
Samantha: Ok.
She gave me her YM address. We talked there for a long time. Then, hiningi ko number niya para ipagpatuloy yong pag-uusap namin. Tinatamad na kasi akong mag-online dahil ang bagal-bagal ng net.
Anyway, ewan ko ba kung bakit ko hiningi yong number niya. Sa lahat ng nakachat ko, siya lang yong hiningan ko ng number. Ang weird ko talaga. Ayun, nagkatext na kami.
‘Ang boring naman nitong babaeng to,’ naisip ko habang nagrereply sa text niya. Humiga na ako sa bed ko. Sarap talaga humiga sa bed. Text-text pa rin kami hanggang sa nakatulog ako. Di ko namalayan na natulugan ko na pala siya. Yan talaga ang bad habit ko, hehe…
____________________________________________________________________________
Oo nga pala, nalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Shawn Martin Sy. I'm 16 years old, 2nd year college student taking up Computer Engineering. My family is one of the most influential families here in the Philippines. Hindi lang kami sa negosyo umaangat pati na rin sa politika. Madami din kaming business maliban dito sa Pinas, meron kaming business sa London, Taiwan, China at ibang parte ng U.S.
May dalawa akong kapatid. Si Kuya Pete yong panganay namin at si Ate Aubrey naman yong pangalawa, then, ako yong bunso. Sobrang maalaga at protective ng mga kapatid ko saken. Ewan ko ba kung bakit sila ganyan.
Half-Filipino and Half-Spanish ang Mom ko. Ang Dad ko naman ay isang pure Chinese. Kahit busy yong family ko sa mga business nila, hindi pa rin nila kinakalimutan na magbigay time sa amin. Kaya yong dad ko sobrang idol na idol ko. He's really genius and siya yong perfect dad for me.
So, eto na idedescribe ko na yong sarili ko. Wait, nahihiya ako, pero sige na nga. Isa akong matangkad na lalaki, kaya kasali ako basketball team sa school naming. kahit kasali ako dun di ko pa rin pinapabayaan yong pag-aaral ko kaya lagi ako yong top student. Mula elementary hanggang sa high school ako yong top 1 kaya ako din yong naging valedictorian. Gwapo daw ako sabi ng iba, mabait, gentleman, romantic, genius at makulit paminsan-minsan.