-----January 17,2010
Dalawang araw nalang 2nd monthsary na namin ni Sam pero parang first monthsary pa rin namin yon kasi syempre nung December 19,yun ang araw na naging official kami na magboyfriend at girlfriend ni Samantha.. But November 19 yong pinag-usapan namin na anniversary namin..kumbaga,pinagpatuloy lang namin yong relationship namin pero ngayon official na talaga na kami na..
First time ko magkaroon ng girlfriend na nakatira malayo eh..kaya di ko alam anong gagawin ko para sa monthsary namin..
Pero may naisip na ako last week kung ano yong gagawin ko for our monthsary..pero nagdadalawang isip kasi ako dun sa gagawin ko.. baka kasi ayaw niya pumunta dun.. aist..bahala na.. basta sasabihan ko nalang siya..
Andito pala ako sa school,hinihintay ko sina Sean at Paolo.. nagpapasama kasi ako sa kanila sa pupuntahan ko..
After so many years..dumating din yong dalawa kong bestfriends..
"Uyy parekoy.." bati ni Paolo saken
"Sorry pala bespwen kung natagalan kami.." sabi naman ni Sean habang hinihingal
Ngumiti naman ako at sabay akbay sa kanilang dalawa "okay lang yon bespwens..sasamahan niyo naman ako eh."
"Speaking of that.. Saan pala tayo pupunta?" tanong ni Sean saken..
"Saan pa ba?eh di mangchicks.." nakangiti na sabi ni Pao
"Talaga bespwen?magcchicks ka na?" ngumiti din si Sean
"Loko..hindi kasi.. punta lang tayo sa mall..may bibilhin lang ako.."
Papunta kaming tatlo ngayon sa parking lot..andun kasi yong kotse naming tatlo..
"wow bespwen.bago na naman yong kotse mo?" tanong ni Sean saken
"hmm..hindi saken to..kay Kuya to..hiniram ko lang..hehehe"
"Yaammaann niyo talaga!" sabi ni Pao habang tinitignan yong kotse ko at sabay sabing "ako muna magdrive dito parekoy.ikaw muna gumamit ng kotse ko."
"Ha?bakit?"tanong ko naman kay Pao
"Gusto ko lang itry tong bagong kotse mo..hehehe"
"Pahiramin mo na yan bespwen..alam mo namang adik yan sa mga kotse eh.." sabi naman ni Sean saken
"Okay..dahan-dahan sa pagddrive ah.. alam mo naman ikaw..bilis magpatakbo..kala mo wala ng bukas"
"dont worry..iingatan ko tong baby mo.." at binigay ko kay Pao yong key sa kotse ko at ganun rin siya..
Nakarating rin kami sa mall within 10minutes lang.. medyo malapit lang din kasi yong mall sa school namin eh..
-----------------------------------------------------------SEAN'S POV------------------------------------------------------
"Hello Sean!!" agad naman ako napalingon sa tumawag saken.. oh.. it's my fans club..haha
Sorry guys.. pero heartthrob talaga ako dito sa lugar namin..ganyan talaga pag isa kang gwapo tulad ko..
Napalingon ako kila Pao at Shawn..Si Shawn sobrang naiirita sa mga babae,ayaw kasi niya ng mga maiingay na babae.. Si Pao naman nagsaya kasi chickboy din to..Malapit na rin maging chickboy yan si Shawn..isang tulak nalang,mahahawaan din yan ng chickboy virus ko..haha
![](https://img.wattpad.com/cover/1287585-288-k926304.jpg)