Mia'a POV
Andito ako sa labas sa gilid ng bar. Naka black jacket w/ black boots and a black bag. Pang patay ba? Pero eto na, andito ako at naghihintay ng kawatan.
At hindi nga ako nagkamali dahil parating na. Nagkunwari akong may kinuha sa bag at mayamaya ay nakalapit na sa akin ang kawatan at tinutukan na ako ng matalim na patalim sa aking likuran, at sinabing
Kung ayaw mong masaktan ibigay mo lahat ng gamit at pera mo. Mahinang bulong ngunit may diin na sabi nito sa tenga ko, nakatalikod ako sa kanya ngunit amoy na amoy ko ang hininga nitong amoy alak.
Teka nga lang? Asan ba yung napkin ko dito? Patay malisyang sabi ko at hindi natinag sa patalim na itinutok nito sa likod ko.
Miss bingi ka ba?! Pasigaw niyang tanong at idiniin ang patalim na hawak n'ya sa bewang ko. Inuulit ko! Kung ayaw mo----
Sa mga sandaling iyon pinutol ko na ang sinabi n'ya at madali kung hinawakan ng mariin ang kamay n'ya , hindi n'ya inaasahan ang nangyari kaya sa gulat at sakit ng pagkakahawak ko sa kamay nya ay nabitawan nya ang kutsilyo agad ko itong sinipa palayo at sinikmurahan ko rin ito gamit ang tuhod ko na ubod ng lakas, na paubo ito ng dugo , napaupo ito at namilipit sa sakit, hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang kanyang dibdib at tuluyang napahiga sa lupa ng namimilipit pa rin.
Umupo ako at tinignan lang ito, payat ang lalaking ito nasa mga 40's na rin ito , mabaho at halatang wala sa wisyo ang katawan , kaya naman pala madali ko lang napaitumba bulong ko sa sarili.Kinapkapan ko ito at nakuha ang wallet sa bulsa nya. Napangiti ako dahil pagbukas ko ng pitaka ay maraming pera.
Ayos ah, dami nito , pero pasensya na ha mukhang ako ang makikinabang dito. Sabi ko sa kanya napatingin s'ya sa akin ng di makapaniwala.
Naalarma ako ng makarinig ng siren na nanggagaling sa sasakyan ng mga pulis.Tinignan ko ang lalaki ngumiti ito kahit alam kong masakit parin ang pakiramdam nito, iniisip siguro n'ya na dehado kaming dalawa sa sitwasyong ito.
Dehado naman talaga kung iisipin dahil nasa likod kami ng bar at ang bar na ito ay napapagitnaan ng isa pang Building , one way lang ito kumbaga sa dulo nito ay daan na daraan ng sasakyan ng pulis, malamang ay hinahabol ang ugok nato ngunit girls scout ata ako lagi akong may back up plan.
Pumunta ako sa likod ng malaking basurahan at dali daling nag bihis ng uniporme. Nilagyan ko ng lipstick ang gilid ng labi ko na kulay pasa para pasa rin itong tignan.Paglabas ko ay nandoon parin ang lalaki at tinatangkang tumayo habang palakas na ng palakas ang siren ng pulis na senyales na malapit na sila dito.
Tinignan ako ng lalaki at hindi pa rin s'ya makatayo ng maayos lumapit ako dito na ipinagtaka nito kinuha ko ng mabilis ang kamay n'ya at hinawakan at umarte ako na tinulak n'ya ako at umarteng bumagsak sa lupa dahil sa lakas ng pagkatulak n'ya at saktong huminto ang sasakyan ng pulis.
Huwag po!!! Tulong !!! Tulong !!! Maawa kayo sa akin ! malakas na sigaw ko at umarteng nasasaktan at nataakot.
Huwag kang gumalaw ng masama itaas mo ang iyong kamay! - sigaw ng pulis sa lalaki at dahil nakaharap sa akin ang lalaki at nakatalikod sa pulis kitang kita ko ang pagkalito nito at di kalaunan ay naintindihan n'ya rin ang mga pangayayari. Itinaas nito ng dahan dahan ang kamay agad na lumapit ang isang pulis upang pusasan ang lalaki palihim akong napangiti pinapasok ng isang pulis ang lalaki sa sasakyan.
Lumapit ang isang pulis sa akin at lumapit. Inalalayan n'ya kong tumayo.
Okay ka lang ba iha? - dumuko pa ito ng bahagya upang makita ang mukha ko.
YOU ARE READING
RULE VS LOVE
Teen FictionMagulong buhay? Sanay na ako Akala ko nga wala ng magbabago sa buhay ko , Pero on the way lang pala ang loko. Ang buong akala ko magandang pagbabago Pero nagkamali ako DAHIL MAS GUMULO PA ANG BUHAY KO!!! Nakilala ko ang m...