(2) Huli sa Akto

11 0 0
                                        

Mia's POV
Naalimpungatan ako sa sobrang init na nararamdaman ko ngayon. Feeling ko andito ako sa kabaong, nadagdagan pa ang init dahil sa suot kung uniporme. Tsssk di pala ako nakapag bihis.
Bumangon ako at hinubad ang uniporme at lumabas na sa kwarto ng may damit siyempre .
Naka sando at short ako na sinapaw ko sa uniporme kahapon.

Ang kagabing makalat ay naging malinis na. Mabuti naman.

Oh, masyado kang maaga para sa hapunan Mia -panunukso ni Kuya Earole.
Kailan bayan gumising ng pang umagahan, ehh palagi namang never late s'ya sa hapunan -sabat ni kuya Justine.
Tsee! Magsitigil nga kayo! Tanghali pa ngayon nohh! -inis na sigaw ko.
Kaya nga ang aga mo sa hapunan ehh -sabi ni Kevin at nag tawanan sila.

Luh? Anong connect? Di ko gets. Napailing nalang ako at nanghilamos.

Saan si Kurt? -tanong ko habang papuntang lamesa.
Ouch! Kami ung nandito tapos s'ya ang hinahanap  -sabi ni kuya Justine ng may pahagod hagod pa sa puso n'ya.

Mabatukan nga. 
Aray naman Mia! Nagbibiro lang naman , makabatok toh pagmamaktol na saad n'ya.
Ehh asan nga kasi? Tanong ko sa kanya.
Umalis s'ya ng maaga at hindi mo s'ya naabutan kasi - hindi n'ya tinapos ang sinabi n'ya at nagkatinginan silang tatlo
TANGHALI KA NG NAGISING! - sabay nilang sabi ng may panunukso. Ay sabay na nagtawanan.

Dahil sa pikunin ako. Walk out ang peg ko. Makaligo na nga.
Narinig ko pa silang nagtawanan at sinabing ang pikunin ko daw.

Ginawa ko na ang dapat kung gawin. Naligo ng mabilis at nag bihis.  Aalis ako at papuntang 7eleven dun nalang ako kakain.

Naka white v-neck ako at black pants na naka white addidas shoes. Nagpaalam ako sa tatlo at umalis na. Malapit lang naman dito ang 7eleven dun lang sa kanto kung saan ako hinatid ng pulis kagabi. Kumuha ako ng 1,000 sa pitaka. Nakarating na rin ako sa 7eleven kumain ako dun. Paminsan minsan lang kaming magsabay nila Kurt kumain pag nagkayayaan lang o may okasyon.

Sina Kurt, Kevin, Kuya Justine at Kuya Earole ay magkakapatid iniwan sila ng mga ina nila. Magkapatid lang naman talaga sila sa ama. Kung paano sila nagkita? Simple lang, sa kalye ng kawalan. At ng tumagal ang kanilang pagsasama nalaman nila na iisa lang naman pala ang ama nila.
Mababait naman talaga silang tao, kung nakapag-aral lang sana sila panigurado akong maganda ang buhay nila. Sino ba naman kasi ang tatanggap sa amin ng trabaho? Wala nga kaming pinag-aralan. Ako naman nakapagtapos lang ng highschool, nag apply naman ako ehh , kaso laging pumapalpak at palaging pinag-iniinitan ng kasama ko sa trabaho. Malas ehh.
Matataas din ang pangarap nila Kevin. Gusto nilang maging banda.  Sa katunayan magaganda talaga ang boses nila.  At ako? Pangarap ko lang na matupad nila ang pangarap nila dahil kung hindi dahil sa kanila mas marumi pang buhay ang tatahakin ko.
Nang matapos na akong kumain umuwi na ako at pagdating ko sa bahay ako lang mag-isa , hindi ko na sila nadatnan.

Mabilis na tumakbo ang oras at alas sais na kaya madilim dilim na sa labas. Wala akong gagawing masama ngayon. Tatambay lang ako sa bar.

AUTHOR's POV
Madaling sumapit ang gabi at pumunta nga si Mia sa bar. Nagtambay s'ya dun at napainom na din , sana'y na rin ito kaya hindi ito madaling malasing. Wala din ayang balak sumayaw tanging umiinom at pinagmamasdan lang n'ya ang mga taong masayang gumigimik doon.

Di nagtagal ay may lumapit sa kanyang lalaking sobrang pamilyar sa kanya. Maputi ito at naka Red lahat.
Miss may kasama ka ba? - tanong ng lalaking pamilyar sa kanya.
Natawa bigla si Mia dahil sa tanong ng lalaki.
Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga? Wala ka namang nakikitang kasama ko dba? Pero nagtatanong ka pa. Patawang sagot ni Mia sa lalaki.
Watch your mouth young lady. - maangas na sagot ng lalaki.

At tuluyan ng natawa si Mia ang pagkakaintindi kasi nito ay tignan n'ya ang bibig n'ya.
May pa english-english ka pang nalalaman , tanga di ko makikita ang bibig ko sa ganitong sitwasyon , pwera nalang kong may salamin ka.
- patawa pa ring sagot ni Mia

Hindi alam ng lalaki kung namimilosopa lang ba ang babaeng kaharap n'ya o sadyang di n'ya naintindihan. Magsasalita pa sana ang lalaki kay Mia ngunit may dumating na isang naka black na lalaki at pagkatapos nun umalis na sila.

Naiwan ulit na mag-isa si Mia , dahil bored ito ay pumunta muli ito sa gilid ng bar. Di n'ya inaasahang may tutuk sa kanya ng baril at sinabing Holdap toh! Wala namang balak si Mia na magnakaw ngunit sa isip n'ya sayang din ang oportunidad na kusa mismong lumapit sa kanya.

Siniko n'ya ng malakas ang ulo ng lalaki, sinipa n'ya ito sa egg at nagulat si Mia dahil ito yung lalaking nakausap nya kanina.
Ngayong nakahiga na ito at namimilipit sa sakit , sinipa ni Mia sa malayo ang baril na nabitawan nito.
Wala naman sana akong balak na magnakaw ngayon ehh , pero ikaw kasi - sabi ni Mia habang kinakapkapan ang bulsa ng lalaki , kinuha nito ang pitaka at nakita n'ya ang ID nito , tinayuan ng balahibo si Mia dahil pulis pala ang kaharap n'ya.
Doon n'ya napagtanto kung bakit pamilyar sa kanya ang lalaki dahil ito pala ang pulis na naghatid sa kanya at kumausap sa kanya kagabi.
Tinignan ni Mia ang lalaki na nasa harap n'ya ng di makapaniwala at nakita n'ya ang ngiti sa lahi ng pulis . Tatakas na sana si Mia kaso huli na ang lahat,  na corner na s'ya at tinutukan ng mga baril ng mga pulis. Napamura ng wala sa oras si Mia dahil napagtanto nito na naset-up sya.

To be continued....

"In life don't force anything to happen. Just go with the flow.  Because if it's meant to be, it will be"

-MISS_D-

RULE VS LOVEWhere stories live. Discover now