(3) Agreement Begins

1 0 0
                                    

Mia's POV
Pagka tapos kong mahuli, dito ang bagsak ko sa opisina ng Chief ng mga pulis.
Wala akong ginawa kundi ang tumunganga at s'ya naman ay nakatitig sa akin. Sobrang tahimik. Oo

Anong pangalan mo? -basag n'ya sa katahimikan.
Pag-ikukulong ba may painterview pa?-balik kong tanong.
Nagalit s'ya kaya naman madali n'yang binasag ang vase na nasa harapan n'ya, sanhi ng pagkabigla ko ay daling nasabi ko ang pangalan ko.

Mia! Mia Stella Bueñes! - biglang sabi ko.
Magkwento ka sa sarili mo, at bakit ginagawa mo ito- utos n'ya habang hawak hawak ang sentido n'ya.
Napabuntong hininga nalang ako at nag kwento.

Pagka graduate ko ng highschool lumayas na ako sa amin. Iniwan na kasi kami ng daddy ko bata pa lang ako. Depressed si mama nu'ng time na yun then na meet n'ya ang step father ko. Niligawan n'ya si mommy for 1 year, nahulog din ang loob ni mama kaya naging sila. No'ng 3rd year highschool ako namatay yung mama ko dahil sa car accident.
Pagkatapos pa lang ng burol nag-uwi na ang step father ko ng babae at dalawang batang kasing edad ko. Doon ko napagtanto na nagkukunwari lang pala siyang mabait at lumabas din ang tunay n'yang kulay. Pag andyan sila Lolo at Lola ang bait n'ya sakin pero pag wala inaalipin niya ako.
Dahil matanda na Lolo at Lola ko ipinasa nila lahat ng yaman sa step father ko. At sa di malamang dahilan namatay si Lola at Lolo at dun na talaga nagsimula ang kalbaryo ko.
And now eto na ako, alam kung mali ang ginagawa ko pero wala namang tutulong samin eh, ni gobyerno o kahit na sino. Kaya sabihin mo paano kami mabubuhay kung hindi namin gagawin to? - mahabang salaysay ko.

Namin? So may kasama ka? - tanong ng pulis.
Pamilya. Pagtatama ko. Pamilya ko sila. -Matapang na sagot ko.

Madilim na ang gabi. Alam kong gusto mong baguhin ang buhay mo, ninyo. So I have a proposal - sabi ng pulis.

Po? Ano yun ? - tanong ko.

Be my sister. - sabi n'ya at may inabot na litrato sa akin na tinanggap ko naman.
Ewan ko kung bakit magkamukha kayo ng kapatid ko. Nawawala s'ya, 2 months na and until now di namin alam kung nasan s'ya. May aksidenteng nangyari at sinabi nilang patay na s'ya. Pero wala kaming bangkay na nahanap. Kaya hindi ako na niniwalang patay na s'ya - mataas na kwento n'ya.

Namangha ako dahil sobrang ka mukhang kamukha ko talaga s'ya. Imposible ba yun? Para kaming kambal. - tanong ng aking isipan.

Pasensya na, wala akong panahon sa ganitong klaseng pagpapanggap. - sagot ko at tinapon ang litrato sa mesa n'ya.
Then you will be in jail. - sagot n'ya with full of confidence.
Kala nito hah , EDi walang kaso , papakainin n'yo naman ako - confident ko ding sagot sa kanya.
They.Will.Be.In.Jail - sagot n'ya na ikinatuyo ng lalamunan ko.
Mas may alas ako sayo Mia. Hindi kita pinipilit it is your choice. Mababago naman ang buhay n'yo ehh, pag nahanap na namin ang kapatid ko pwede ka ng umalis pero paaralin ko kayo. Kung hindi na talaga namin makita ang kapatid ko, tatapusin mo lang isang school year And your free to go. Ito na ang pagkakataon para mabago ang takbo ng buhay mo Mia. So choose wisely. - sabi n'ya sa akin na may pa aksyon aksyon pa sa kamay n'ya.
  Papatakasin kita ngayong gabi. Ngayong gabi lang. Bukas babalik ka ng may sagot. Dahil kung hindi ka babalik kahit saan ka pa magtago, wanted ka na. - sabi n'ya at iniunlock yong posas.
  Choose the right one Mia, nakakaalis kana. - sabi ng chief.

Nakarating ako sa bahay namin ng lutang. Nadatnan ko silang nagkakantahan. Hindi muna ako pumasok at makinig muna sa mga boses nila. May guitara at my beatbox sa loon ng bahay , sobrang ganda ng mga boses nila. Hindi ko alam kung saan nila namana pero siguro sa papa nila.  Asan na kaya yun? Siguro may kapatid pa silang sampu.

Alam nyo, napapagod na ako sa ganitong buhay. - dinig kung sabi ni Kevin sa loob ng bahay .
Yung tipong tayo yung taong may pangarap sa buhay pero tayo pa yung pinagkaitan ng pagkakataon. - pagsasang ayon at hinaing ni Kuya Earole.
Hindi lang naman tayo ang nahihirapan dito ehh, pati rin si Mia . - rinig kong sabi ni kuya Justin.
Kahit sa kanya lang yong magbago , okay na ako- pagka sabi nun ni Kevin dun ko lang napansin na tumutulo na pala ang luha ko.
Siguro panahon na rin na ibalik ko naman ang pabor sa kanila. Pinunasan ko muna ang luha ko , huminga ng malalim at pumasok.

Oh, ang aga mong dumating ah, 1:32 a.m na - panunukso na naman ni kuya Jus.
Pero binalewala ko nalang iyon at nagsalita.
Kuya Earole , kuya Justin, Kevin at Kurt. Maraming salamat sa inyo hah, kahit magulo buhay ko, nawawala at naayos yun pag magkakasama tayo.
Salamat po sa mga memories , pang-aasar at pagtulong n'yo sa akin nu'ng gabing kailangan na kailangan ko ng tulong nyo. Pangako ko sa inyong ibabalik ko rin po ang pabor. - emosyonal na mensahe ko sa kanila.
Lumapit si kuya Earole sa akin at niyakap ako. Nagsunuran na sina kuya Justin , Kevin at Kurt . Ramdam kong naguguluhan sila sa mga sinabi ko at pag iinarte ko ngayon pero alam kung na touch sila.
Hindi namin pinapabayaran sayo ang tulong namin Mia - sabi ni kuya Earole na halatang nagpipigil sa luha n'yang babagsak na.
Oo nga Mia, sino pa nga ba ang magtutulong tulungan kundi tayo. - pagsasang ayon ni Kevin.

Humiwalay na kami sa pagka kayakap si kuya Justin pumuwesto na sa gitara nya.
Ang sa drama n'yo! Mag kantahan nalang tayo in 3.2.1 - masiglang sabi n'ya at pinatugtug na ang gitara.

Masaya kaming nagkantahan at nagkwentuhan. Magpapanggap lang naman ako in 1 year ehh o di kaya pag nakita na s'ya di naman ako aabot ng 1 year. Para ito sa kanila. Kaya alam ko na ang magiging pasya.

        Author's POV
Sir bakit n'yo po s'ya pinakawalan? - tanong ng isang pulis sa Chief n'ya.
Wag kang mag-alala , babalik s'ya. Aalis muna ako at may bibisitahin akong importanteng tao. - sabi ng Chief sa kasamahan n'yang pulis.

Nakarating na ang Chief sa bibisitahin n'ya.
Nurse, kumusta na ang pasyente? - tanong n'ya sa babaeng nurse na kaharap n'ya.
Hindi po bumubuti ang lagay n'ya. Sa bawat araw mas nababalisa s'ya at hinahanap si Maam Myera, kung magpapatuloy po sa ganito ang lahat baka tuluyan na s'yang masisiraan ng bait. - sagot ng nurse.

Pumasok  si Chief Lucas sa kwarto ng pasyente, kwarto ng kanyang ina.
Dito n'ya nasilayan ang mukha nitong halatang kagagaling lamang sa pag-iyak. Nangangayayat na ang pangangatawan nito at sobrang putla narin ng balat nito.
Napatulo ang kanyang luha ng masaksihan ang kalagayan ng kanyang ina.
Naaalala n'ya ang dalagang si Mia na kamukha ng kanyang kapatid na si Myera. At iniisip na s'ya nalang ang natatanging pag-asa upang di lumalala ang kalagayan ng kaniyang ina.
____KINABUKASAN____
Madaling sumapit ang umaga. Agad na pumunta si Lucas sa kanyang opisina. Hinihintay n'ya si Mia.
Ilang oras ang nakalipas at may kumatok sa opisina ni Lucas.

Bumungad sa kanya ang dalagang si Mia.

         To be continued.....

Hai readers , I Just want to clarify this chapter Lang po baka may malito. Yung pag uusap po nila Mia at nila Justin at pag iisip nya Ng pasya ay kasabay po sa pagbisita ni Lucas sa mama nya. Bali pag alis ni Mia ay binisita na rin ni Lucas ang kanyang mama :)

Si Mia and Myera po ginagampanan lang ng isang cast/artist na si Nancy Mcdonie. Para po magkamukhang magkamukha talaga 😂 pero sa story si Mia at Myera ay magkaibang tao.

"Don't make any decision in your life in just a short period of time , because if the decision is wrong you can only regret it , but you can't rewind and go back to it"

_Miss_D :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RULE VS LOVEWhere stories live. Discover now