Una't Huling Kabanata

1K 3 1
                                    

"Dagli"

"I do"

Lumabas na ang dalawang salitang kay tagal ko ng gustong pakawalan. Kulang nalang magtatalon ako sa tuwa. Sinisikap kong huwag umiyak sapagkat masisira ang aking makeup na pinaghirapan ng apat na oras ng aking kapatid. Nakakaloka talaga.

Ang kanyang mata na nangingintab na rin. Tila bang pareha kaming nagpipigil ng pagdaloy ng luha sa aming muka. Kitang-kita ko ang nakabibighaning kulay -kastanyo na mata niya. Kanyang matangos na ilong at ang kayumangging balat. Emeghed akin na ba talaga 'tong lalakeng to?

"Daniel Celestino, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib itong babae sa iyong harapan na maging kabiyak ng iyong puso,

sa habang buhay,

sa hirap at ginhawa,

sa sakit man o kalusugan,

at mamahalin mo siya

sa habangbuhay,

gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

"Opo"

Hindi ko na napigilan ang aking damdamin. Sunod-sunod ng pumatak ang mga luha sa aking mata. . Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi ng pari. Basta napako na naman ang aking mata sa kanyang napakagandang pigura.

Hinawakan ng kanyang kamay ang aking pisngi. Lumandas ang kanyang daliri sa mga luhang pumapatak hanggat sa wala ng makitang bakas. Kanyang ngiti na makapagtutumba ng kahit sino.

Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa aking mukha.

"Ate, gising na, mahuhuli na tayo sa burol ni Kuya Dan"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling NgitiWhere stories live. Discover now