Wew, try lang ‘to ha...
Pa-exp lang ng one-shot
Wag niyong masyadong taasan ang expectation niyo...
Baka madisappointa lang kayo...
Eto na! *inhale-exhale*
Here I go!
----------------------
*Tiiiiit-tiiiiiiiit-tiiiit*
(A/N: Tunog po ng alarm clock niya yan)
Pinatay ko na yung alarm clock at umupo sa kama ko.
Nag-inat ng saglit at dumeretso sa cr para maghilamos at mag-shower.
Nagbihis na ako at nagluto ng almusal ko.
Matapos yun ay nagsapatos na ako at lumabas na para pumunta sa trabaho ko.
Alam ko na ang mangyayari na susunod.
Paulit-ulit lang ang nangyayari sa buhay ko.
Minsan sa sobrang predictable, kaya kong idictate ang mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko.
Pero kung iniisip niyong di ako masaya sa buhay ko...
Nagkakamali kayo.
Eto ang gusto ko sa buhay ko.
Walang nagbabago.
Walang nawawala sa cycle.
Lahat napepredict ko ang mangyayari.
At higit sa lahat...
WALANG WEIRD NA NANGYAYARI.
----------------
Nakarating ako sa pinagtatrabahuhan ko kung saan isa akong accountant. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Walang masyadong nagbabago. Madalas, constant ang lahat. Lahat exact.
Natapos ang trabaho ko at naglakad akong muli pauwi. As usual, walang kakaibang nangyari.
Eto ang ideal life ko. Lahat ng nangyayari, normal.
------------
*Tiiiiit-tiiiiiiiit-tiiiit*
Pinatay ko na yung alarm clock at umupo sa kama ko.
Nag-inat ng saglit at dumeretso sa cr para maghilamos at mag-shower.
Nagbihis na ako at nagluto ng almusal ko.
Matapos yun ay nagsapatos na ako at lumabas na para pumunta sa trabaho ko.
(A/N: Di po kayo umulit, sadyang ganyan lang ang cycle ng buhay niya.)
Lumabas ako at ineexpect ko ay ganun parin ang mangyayari; katulad ng dati, kaso...
“Would you like a lemon?” may babaeng nakatayo sa may tapat ng park. May basket sa tabi niya na may lamang lemons. May nakasabit na pink bag sa kanya at naka-white siyang shirt na may nakasulat:
“Life.”
Nainis ako sa nakita ko. Isang weirdo ang sumisira sa perpekto kong umaga. Bakit ba siya nandito?
Nilapitan ko siya at susubukan kong paalisin.
“Hoy, ikaw.”
“Hello~ Would you like a lemon?” optimistic pa niyang sinabi. Di ba niya nagets na naiinis ako sa ginagawa niya?
“Anung ginagawa mo? Di mo ba alam na nakakaabala ka sa mga tao?”
“Alam mo ba yung quote, “When life gives you lemons...”
BINABASA MO ANG
She's a Weirdo... (One-shot story)
HumorLahat tayo ay may kaweirduhang tinatago sa atin. Except kay Jake na masasabing niya na siya ang pinakanormal na tao sa buong mundo. Eto ang sinabi niya bago niya makilala ang isang babae, ang ultimate weirdo. Ano kaya ang mangyayari sa istorya nila?