June 14, 2010
First day of school..
Nasa school na kami ni Pau. Pumunta kami sa may bulletin board ng junior students para hanapin yung sections namin. Magkaklase kami at 3A kami. Pagdating namin sa room, maraming bumati kay Pau kasi 2years na niyang kaklase sila. Pinakilala niya ako sa friends niya at mukhang okay naman silang pakisamahan. Umupo ako sa tabi ni Pau at dumating na yung teacher namin.
"Good morning class. I am your English teacher for this school year. Let me arrange you first in alphabetical order."
Nagkahiwalay kami ni Pau kasi may sitting arrangement pala dito. Pero nasa unahan ko lang siya kaya okay lang naman. Maya maya may pumasok na dalawa pang lalaki. Yung isa mukhang familiar. Lumapit kaagad sila sa teacher para itanong kung saan sila uupo.
"Miss, ikaw ba si Miss Montiel?"
"Ah, yes."
"Seatmates pala tayo eh. Ako nga pala si Jason Montenegro."
"Nice to meet you. Alexa Montiel here."
Nagshakehands kami at nagsmile siya sa akin. Cute siya at mukhang masayahin.
Inintroduce naman ako ng teacher namin, sinabi niya na transferee ako at magpakilala daw ako sa unahan. Pagkaupo ko, may bumulong sa likod ko.
"Kaklase ko pala yung imported na pakialamera."
Lumingon ako para tingnan kung sino yon. Nagulat ako kasi siya yung guy dun sa enrollment na sinigawan ako.
"Excuse me, hindi ako pakialamera. I'm just being mabait. Sorry kung naabala kita nun."
"Pwede bang magpalipat ka na lang ng section kasi nabibwisit ako kapag nakikita kita."
"WHAT?!" Napasigaw ako at tumingin sa amin yung teacher. Pinagsabihan niya ako na wag ko daw laksan yung boses ko kapag may kausap ako. OM, first day ko pa lang tapos napahiya na ako agad dahil sa lalaking to. Naririnig kong tumatawa siya kasi napahiya ako. Ang sama niya talaga.
Lunch break na. Wala na kaming klase pero bawal pa umuwi. Org fair ngayon kaya dapat may masalihan kang club kahit isa lang. Papunta kami ng canteen kasama sina Jason at Vince. Barkada kasi silang tatlo nina Pau kaya no choice ako. Habang naglalakad, kinukulit ni Jason si Pau, at si Pau naman halatang naiirita.
"Tumigil ka nga Jason. Ang gulo gulo mo."
"Namiss lang naman kita Pau, di tayo nagkita nung summer eh."
"Ewan ko sa'yo."
"Ikaw Pau ha, may love life ka na pala. Di mo man lang sinabi sa akin."
"Naku Alex, wag ka nga. Joketime lang yan si Jason. Siraulo yan, wag ka makinig dyan."
"Teka, magkakilala na kayo, Pau at Alex?"
"Oo, siya nga yung kinukwento ko sa inyo ni Vince na friend ko from States."
"Wow! Di nyo naman agad sinabi. Vince, halika dito. Papakilala ko sa'yo yung maganda kong seatmate." Tinawag niya si Vince na nagtetext nung time na yun.
"May seatmate ka bang maganda? Wala akong nakikita eh. Sorry pare."
Aish. Grabe talaga tong lalaki na to. Inano ko ba siya para magalit siya sakin? Arg!
