Chapter 3

28 0 0
                                    

Two weeks na ako dito sa school at hanggang ngayon ay okay naman. Lahat sila mababait, lalo na yung barkada ko ngayon. Naging close na ako kina Jason at Vince. Active na rin ako sa org na sinalihan ko. Nagparticipate ako sa band para sa acquaintance party, ako yung vocalist. Nagpapractice kami after class kaya medyo ginagabi na rin ako ng uwi. Minsan hindi ko na nakakasabay si Pau kasi wala naman siyang gagawin sa school at okay lang naman yun sa akin.

"Be, gusto mo magmall tayo after class? Total Friday na naman eh."

"Sorry Be, may practice pa ako mamaya e. Sa Monday na kasi kami magpeperform. Kung gusto mo bukas na lang. Bili tayo ng dress for acquaintance."

"Oh, sige. So mauna na ako umuwi ha? Okay lang?"

"Sure sure! Kita na lang tayo tomorrow. Text kita later kapag nakauwi na ako."

Pumunta na ako sa gym kung saan kami nagpapractice every afternoon. Pero pagdating ko doon, mga basketball players ang nadatnan ko. Paalis na sana ako nang bigla kong nakasalubong si Vince. Nakajersey siya at may dalang bola. Ang gwapo niya kahit nakapanglaro siya.

"Alex, anong ginagawa mo dito? Ang alam ko sa auditorium yung practice niyo ngayon kasi gagamitin namin itong gym."

"Ah, ganun ba? Sige, thank you." Palabas na ako ng gym tapos...

Riiiing! Riiing!

"Hello Kuya Jojo? Ah, opo. Mamaya pa po eh, siguro around 7pm. Ganun po ba? Wala po bang pwedeng pumalit sa inyo? Ah, sige po. Kaya ko naman po. Opo, wag kayo mag-alala. Itext niyo na lang po sa akin kung paano. Sige po, thank you po. Bye."

"Kuya mo?"

"Ah, hindi. Yung driver ko, di daw niya kasi ako masusundo kasi dumating yung kapatid niya galing ibang bansa."

"Oh, so paano ka uuwi? Marunong ka na ba magcommute?"

"Hindi pa, pero itetext naman niya sa akin kung paano. Sige ha, una na ako."

"Sige, ingat ka."

"Oo, ikaw rin." *smiles*

7:38pm na. Tapos na yung practice namin, nakalimang songs din kami. Nareceive ko na yung text ni Kuya Jojo. Nagtanong rin ako sa mga kasamahan ko kung paano pero di daw nila sure. Magtanong tanong na lang daw ako. Lumabas na kami ng auditorium at naggoodbye sa isa't isa. Lumakad na ako papunta sa gate 2 para maghintay ng masasakyan. First time ko 'to kaya kinakabahan ako. Madilim na at naiisip kong baka maligaw ako. Maya-maya ay may papalapit sa akin na lalaki. Natakot ako kaya naglakad ako ng mabilis, pero hinahabol niya ako. Naiiyak na ako habang tumatakbo tapos naramdaman ko na lang na hawak niya na ako sa braso.

"HELP! HELP! PLEASE, HELP ME!" Pinipilit kong kumawala at naiyak na talaga ako.

"Wag ka ngang maingay. Baka akalain ng iba kung ano ginagawa ko sa'yo. Si Vince to, wag kang matakot."

Humarap ako sa kanya at nagulat siya nung nakita niya akong umiiyak. Bigla na lang niya akong niyakap. Naiiyak pa rin ako pero naamoy ko yung pabango niya. Ang bango pa rin niya kahit nakapractice na siya. Inalis niya yung pagkayakap sa akin at pareho kaming naawkward sa isa't isa.

"Uhm, punasan mo na yung luha mo. Baka akalain pa ng makakakita eh pinaiyak kita."

"Bakit mo kasi ako hinabol? Natakot tuloy ako, ang dilim dilim pa naman."

"Sorry, baka kasi mas matakot ka kapag tinawag kita."

"Bakit nga pala di ka pa umuuwi? Di ba kanina pa kayo natapos?"

"Ah, ano kasi, uhm, natagalan ako sa pagpapalit ng damit eh. Yun, tama, ganun nga."

"Ah, sige. Uwi ka na, para makauwi na rin ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon