May 19, 2010
6:38am
Kriiiing! Kriiiiiing! Kriiing!
'Ang aga-aga, may tumatawag na kaagad. Inaantok pa ako eh' sabi ko sa sarili ko habang kinukuha ko yung cellphone sa side table.
"Hello?" Yung pagsasalita ko halatang inaantok pa.
"HELLO! GOOD MORNING BE! BUMANGON KA NA!"
So kailangan sumisigaw? "Good morning din Be. Ang aga mo naman tumawag? May nangyari ba?"
"Ano ka ba? Di ba ngayon yung enrollment natin? Don't tell me nakalimutan mo?"
"Eh di ba later pa 'yun? I think 9am? So, please, let me sleep for another hour. Please?"
"Another hour ka jan. It's almost 7am so, bumangon ka na. Alam kong kulang pa sa'yo ang 1hour para makaprepare ng sarili kaya dapat ngayon pa lang bumangon ka na. Sunduin kita dyan, hm, 8:30, okay?"
"......."
"Hoy! Ano ka ba!? Gumising ka nga. Ah, basta 8:30 andyan na ako. Kapag di ka pa prepared, magtatampo ako."
"Sige na, sige na. Babangon na po." Napilitan tuloy ako, ayoko nga magtampo siya sa akin.
"Yaaan, goood! So, 8:30 ha? I love you Be! Bye!"
"Sige, bye. I love yo--" Binabaan niya ako?! Gaaad!
Ang aga talaga mambulabog ni Be. Pero kahit ganun yun, love ko yun.
Ako nga pala si Alexa Cassandra Montiel, Alex na lang for short. 14 years old pa lang ako, and I am an incoming third year high school student. 1 week pa lang ako dito sa Philippines kasi sa States ako tumira. Actually, Filipino citizen talaga ako. Pero nung nagkatragedy kay Daddy when I was 9 years old, nagmigrate kami dun sa States and stayed there for 5 years. We decided to come back here because of my family's buiness.
It's already 8:30 and as expected, may magdodoorbell. Sino pa nga ba? Eh di yung pinakahyper kong Be--
"Hi Be! Good morning ulit! Wow, ang ganda ng suot mo. Nagmukha tuloy akong basahan dahil sa'yo."
"Ikaw talaga, ang joker mo! Cute mo kaya ngayon. Oh, alis na ba tayo?"
"Totoo yun! Yup. Baka malate pa tayo, eh. For sure mahaba ang pila sa school ngayon."
Minsan talaga tinotopak 'tong si Be. Oo nga pala, ang pangalan niya talaga eh Pau, short for Paula Camille Garcia. Siya lang naman ang aking Best Enemy, kaya 'Be' ang tawagan namin. Weird ba kasi di naman kami magkaaway? Sa totoo lang, kababata ko siya. Para ko na rin siyang kapatid, alam niya lahat ang tungkol sa buhay ko at ganun din naman ako sa kanya. Best enemy kasi palagi kaming nag-aaway sa iisang bagay lang, pero hindi naman yun nakakasira ng friendship namin kasi at the end of the day, magbibigayan rin kami. At saka para maiba naman. Haha.
Transferee ako at sa school niya ako papasok. 20-30minutes away ang school mula sa mga bahay namin. Magkapitbahay lang talaga kami ni Be kaya dumadating siya sa bahay ng sakto sa oras na sinabi niya.
Nakarating na kami ng school. Inihatid kami ng driver ko. Pagpasok pa lang namin ng school, ang dami ng tumitingin. Ang dami rin bumabati kay Pau. Sikat kasi siya dito kasi volleyball player siya, matalino at maganda pa. Marami rin nagtatanong sa kanya kung sinong kasama niya (of course ako yung tinutukoy nila, ako lang yung kasama eh), pero ngumingiti na lang si Pau. May pagkasuplada kasi ako. Nature ko na yun. Hindi ako friendly katulad ni Pau.
Maliit lang ako, siguro 5ft or 5"1'. Basta ganun! haha! Opposite kami ni Pau kasi mas matangkad siya sakin at mas slim ako sa kanya. Parehas kami ng hair, black lang yung sa akin, at medyo brown yung sa kanya.
Nakapila na kami para magenroll kaso biglang naiihi si Pau.
"Alex, dito ka muna. Makakaupo ka naman dun kapag nagkabakante na eh. Basta ipagsave mo ako ng chair ha. Wag kang aalis dyan sa pila. Tawagan mo na lang ako kapag may nangbastos sa'yo, okay?" Ang bait naman talaga ng BE ko.
"Sige, hintayin kita. Tatawagan kita kapag malapit ng tawagin yung number natin."
"Okay, okay!"
Saktong pag-alis ni Pau, nakakita ako ng dalawang bakanteng chair. Pumunta ako dun para makaupo. Then, I noticed this guy na nakaearphones, tulog ata kasi nakayuko siya sa sandalan ng upuan sa harapan niya. Gusto ko sanang itanong kung pwedeng makiupo, kaya lang baka makaistorbo ako sa tulog niya.
Number 77 pa lang yung number na nakaflash, 93 at 94 yung number namin ni Pau. Napansin ko naman na number 79 yung lalaki na katabi ko. Nung nagflash yung number 78 sa screen, nagmagandang loob ako na gisingin siya para makaready siya. Napatingin muna ako sa kanya, ang gwapo niya sa side view. Matangos yung ilong, makinis yung mukha, at maputi.
"Excuse me, next na po kayo."
"......."
"Excuse me po. Next na po kayo."
Bigla siyang bumangon at humarap sa akin. Medyo singkit pala siya, mas gwapo kapag nakaharap.
"SIRAULO KA BA?!" Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Yung facial expression ko ganito O_O.
"BAKIT NANGIGISING KA NG IBANG TAO, HA?! UMALIS KA NGA DIYAN SA HARAPAN KO, BAKA MASIPA KITA. INGAY INGAY MO!"
OMG. Di ko kinakaya 'to. Ano ba yung ginawa ko? Nagmagandang loob lang di ba? Bakit galit siya? At maingay daw ako? Pano mangyayari yun e wala akong kausap dito. Argg! Badtrip 'to ah.
"Excuse me, I'm not doing anything bad here. I was just trying to tell you that you're next. And wait, PLEASE DON'T MAKE A SCENE HERE." I tried to be calm. Ayoko pa naman sa lahat eh yung sinisigawan ako. Feeling ko kasi ang t*nga ko pag ganun. Kainis 'tong guy na 'to. Sana dumating na si Pau, please Lord.
At ang lakas ko kay Lord, andyan na si Pau. The best talaga siya.
Nakatingin si Pau dun sa guy.
"Vince, she's my friend. Siya yung kinukwento ko sa inyo na BE ko from States. Wag mo naman siya awayin."
"Ohhh, siya ba? Kaya naman pala englishera. Akala ko naman ang bait bait at ang ganda ganda ng kinukwento mo samin, nag-expect ako. Ang laki ng expectation ko. Di naman pala maganda, tapos pakielamera pa." Tumingin siya sakin na parang ang laki ng kasalanan ko. Sinabi pa niya na nag-expect siya. Wow lang ha.
"Vince, say sorry. Concern pa nga siya sa'yo, tinulungan ka lang niya para di sayang yung pagpila mo." Tapos napansin namin na kanina pa nakaflash yung number 79 sa screen.
"Ewan ko dyan sa kaibigan mo. Istorbo yan eh, ibalik mo na yan sa pinanggalingan niya. Sige Pau, una na ako. See you sa June." Tumayo siya tapos nagsmile siya ng konti, pero kay Pau lang. Ang tangkad niya at kahit masama ang ugali, gwapo siya. Pero di ko dapat yun isipin. Masama ugali niya, masama!
"Pasensya ka na Alex dun ha. Ganun talaga yun kapag naiistorbo eh."
"Hay nako, nakakainis siya. Buti nga napigilan ko kaagad yung sarili ko. Kundi, naku, talaga!!!"
"Mabait naman yun eh. Kaibigan ko yun, at classmate since first year high school, si Vincent Ramirez. Minsan lang talaga may topak."
Nakaenroll na kami ni Pau. Pumunta rin kami sa mall saglit para maglunch. Pagkauwi ko ng bahay, naligo ako ulit at nahiga na sa kama. Di ko pa rin makalimutan yung guy. Kainis kasi eh! Nagtakip na ako ng kumot at nakatulog na ako.
