minsan,
nakakapagod din magtiis
sa tuwing nasasaktan ka
ikaw pa may sala
ikaw pa sinisisi.
minsan,
nakakapagod din umintindi
sa tuwing nasasaktan ka,
lagi nalang tinataboy damdamin mo
at mas inuuna pa yung sa iba.
kailan ka ba magkakaroon ng oras para sayo?
tulad sa mga taong pinoprotektahan mo,
may damdamin ka
may puso ka
na nasasaktan din,
na napapagod din.
tama na yan.
unahin mo din sarili mo minsan.
YOU ARE READING
words i can't say
Poetrya collection of my english, tagalog & cebuano poems; late-night thoughts i can seem to falter during daytime.