chapter seven

4K 95 20
                                    



CHAPTER SEVEN

MAAGANG PUMASOK SI LARCY KINABUKASAN PARA ABANGAN SA FACULTY room ang adviser nina James.

"Okay naman daw ang X-ray, iha. Hindi s'ya nabalian. May mga pasa lang. Ngayon lang s'ya absent. Sa Monday, makakapasok na s'ya sabi ng mommy n'ya." Bumuntonghininga sa kanya ang guro, "Larcy, ineng, kung puwede, umiwas ka na muna kay James. Asikasuhin mo ang pag-aaral mo, para gano'n din si James. Graduating s'ya, kailangan n'yang makabawi sa mga failed grades n'ya."

"Si Anton po? S'ya ang may kasalanan, dapat tanggalin na s'ya dito sa iskul."

"Suspended na s'ya at mga kaibigan n'ya ng one week. Pero sa Monday, mag-uusap-usap sila sa harap ng Principal para maayos na itong gulo nila. And again, Larcy, baka pupuwedeng labas ka na muna dito, iha? Huwag ka nang makialam, ha."

"Yes, Miss." Sagot niya at nagpaalam. Magandang balita na hindi naman napilay si James. Pero pangit ang balita na isang linggong suspensyon lang ang parusa kay Anton. Hindi iyon patas.

Ah, siya ang magbibigay ng nararapat na parusa kay Anton.

MAY MAGIC AKO." WIKA NI LARCY SA MGA KAKLASE. RECESS NILA. WALANG gurong nakabantay. Napag-isip-isip niya ang laging sinasabi ni Miss Weng. Mas matanda siya sa mga kaklase. Ten ang mga iyon. Sixteen na siya.

Mas matanda siya kaya hindi siya dapat patalo. Nagpadala lang siya sa takot at hiya dala ng kapansanan sa pagbabasa. Hindi agad niya naisip na puwede niyang utuin ang mga salbaheng bata.

Kagaya ng ginagawa ni Max sa kanila noon. Naaagawan sila ng pera dahil mga uto-uto sila.

"That's impossible." Wika ni Joseph.

"Oo, nga. Because you're stupid. You don't know anything." Si Marlon naman. Baboy. Maitim. Mataba.

"Retarded ka sabi ng mommy ko."

Pinalampas niya lahat iyon kahit ang pinakagusto niya sa mga oras na iyon ay pagsasapakin ang mga bata.

"Wanna bet?" Aniya.

"Owww?" Koro ng tatlong magkakaumpok. Pero nagsisimula nang makahalata ang iba na may nangyayaring kung ano, lumalapit na. Lalo pa niyang pinalapit hanggang halos lahat niyang kaklase, nakapalibot na sa kanya.

Dinukot niya ang dalawang singkuwenta sentimos sa bulsa. Iyon na lang daw ang baon niya, sabi ni Miss Mameng.

"I can make my two coins three coins." Saad niya.

"Owww?" Koro ulit ng mga bata.

"Let's bet. You give me one peso if i make three coins. I give you two pesos if i not make three coins."

"How?" Anang isang batang babae. Patpatin.

"Kaya nga, let's bet. You down your money here." Tukoy niya sa desk niya. Pagkatapos ng mga pag-aatubili, kanya =kanya nang baba ng piso ang mga bata-batuta. Umabot iyon sa fifteen pesos. "Okay, you watch. Do not kurap."

Pinagdaop niya sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ang dalawang barya. At kiniskis ng mabilis sa isa't isa. Saglit lang ang mukha na iyong tatlong barya.

"Ooooh—" ugong ng mga bata.

Tumigil siya, "You lose. I win." Nilikom niya ang pera.

"Can you teach us, Larcy?" Biglang mabait na ang tono ni Joseph.

"Yes, but you pay me one piso."

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon