CHAPTER NINETEEN
HI, SIR."
"Hi. Nice hair."
"Good morning, Sir."
"Good morning ka rin."
"Bango n'yo naman, Sir."
"Ako ba 'yun?"
Tawanan.
"'morning, Sir."
"'morning."
Bakit hindi na lang sabay-sabay mag-good morning? Sa loob-loob ni Larcy habang nakayuko sa hilera ng mga ledgers sa tanggapan ng Freedom Press, ang publishing company ng uncle ni James.
Nasa Cubao iyon at ang buong compound ay napapaligiran ng matayog na pader. Sa kanan ng gate ang dalawang palapag na lumang gusali kung saan naroroon ang mga tanggapan. Sa likod daw niyon ang printing press. The rest of the place was relegated to parking.
Nasa ground floor ang admin office. Malaking silid. May maliit na waiting area sa harapan, katabi ng antigong copier machine at coffee machine na hinuhulugan ng limang piso o sampu? Desperado na sa pagkakakitaan si Bert Albano.
Kung hindi dahil sa mga anunsyo ng pagpapalit ng pangalan, deeds transfer at kung anu-ano pang anunsyo na nire-require ng mga hukuman, wala na sigurong bibili ng Kalayaan Daily. The paper was boring. At hindi niya alam kung ikakategorya niya iyon bilang tabloid—well, sinlaki ng mga tabloids pero wala niyong mga nakakasindak na headlines. Ni walang horoscope. Isa lang ang comic strip pero ang crossword puzzle, malaki at ang hirap sagutan.
But the publication itself was not hopeless. May produkto pa iyong bumebenta naman. Iyong Good Deals, a paper dedicated solely to advertisements. Still, may mga utang sa bangko, suppliers, pati na sa mga ahenteng naghahabol ng komisyon.
Nagbabayad ng utang ang kompanya. Nakikita niya iyon. On time pa magbayad, lalo na sa bangko, kaya naman pinapayagan pang makautang.
"Uyy, hindi n'yo sinabi, may mas maganda pa sa morning dito."
Nasa likurang bahagi siya ng tanggapan at natatabingan siya ng four-feet high divider. Nasa harap siya ng mesang mukhang dining table. Sa kaliwa niyon, facing the right wall was James' desk.
"Pag ikaw pala ang nand'yan, parang wala na kaming utang." Komento pa ni James, ibinaba ang bag sa desk.
He reeked of something musky, like leather but it wasn't natural. The chemical scent was also—overwhelming. Almost offensive. Sipsip iyong nagsabing mabango si James.
Lumapit ito sa kanya at naupo sa bakanteng upuan sa kabisera, "Kailangan mo ng Advil?"
"Bakit?"
He eyed the ledgers and the computer screen, "I'm sure, masakit na ang ulo mo d'yan."
"Para namang kaya kong magbasa ng ganyan. Hindi alam nung bookeeper mo na hirap akong magbasa, pero nakausap ko na s'ya, lumabas lang sandali—" pinisil niya ang ilong, "You smell awful, James."
"Ako ba talaga 'yun? Kanina pa 'ko may naamoy—" inamoy nito ang sarili. Ang brown na jacket. Ibinukas pa iyon. Lalong tumapang ang amoy. "Aha!" Bulalas nito at may kinuha sa bulsa ng jacket.
Pine tree na car freshener, "Pa'no 'to napunta dito?" At ihinagis nito iyon palikod, sa desk nito. "Better?"
Tumango siya. Nabawasan nga ang matapang na amoy. Hindi niya napigilan matawa, "You're---funny."
"And you laugh like an amateur."
"A-Amateur?"

BINABASA MO ANG
Wicked
RomansaWala kang inasam sa buhay kung hindi ang MAGHIGANTI sa mga taong nakasakit sa 'yo...at nang dumating ang sandali ng iyong PAGHIHIGANTI.... wala na. Naka-move on na silang lahat. Ikaw na lang ang hindi.