Chapter 6

557 14 3
                                    

Alyssa's POV

I saw Paul.. Wala pa ring nagbabago. Forever pogi.

Lalapitan ko na sana siya kaso nakita kong kasama niya si Stacey at ang buong pamilya niya. Ang tagal na rin naming di nagkikita at nagkakausap dahil nagpalipat siya ng section

pero bakit ganun?

akala ko nakapagmove on na ako

akala ko hindi na ako masasaktan kahit magkita pa kami

akala ko okay na sa'kin na makita kong sila na ulit ni Stacey

Akala ko....

 Akala ko..

akala ko hindi ko na siya mahal

sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.....

Nagulat ako nang biglang kumaway sakin si Tita Mary, yung mom ni Paul kaya lumapit na lang ako.

Nagbless ako kela tito at tita, tsaka close rin kasi kami ng kapatid ni Paul kaya hinug niya ako, and si Paul? naman hindi makatingin sa mata ko, nakayuko lang siya. Nakipag beso beso naman ako kay Stacey

"Oh nak. long time no see ah, tagal mo nang hindi dumadalaw samin, minsan pasyal ka naman samin" Yie namiss ako ni tita.

"Oo nga po tita eh. Pasensya na po tita, medyo marami lang po talagang inaasikaso eh."

"Ayy oo nga pala, sino yang kasama mo?" pag tatanong naman ni tito Raymond.

ayy onga pala kasama ko si Ashley. Medyo nawala sa isip ko.

"Si Ashley po, kaibigan ko, anak po ng high school friend ni mama"

"Hi po, ako po  si Ashley Villasenor, nice to meet you po."

tapos ito namang makulit na si Nick nanguna sa pagpapapogi kay Ashley

"Hi Ashley, I'm Nick"  Natawa nalang ako at napailing. Tsk mga galawan talaga ng mga lalaki.

"Ashley Villasenor?" biglang pagtatanong ni Paul kay Ashley

"Opo, bakit po?"

"Villasenor? so kapatid mo si Kris?"

 TEKA WAIT. nawindang naman ako. Ba't ba ako kinakabahan. Ako ba tinatanong?

"ahh ehh opo" tapos tumingin sakin si Ashley tapos bingyan niya ako ng "^_^V" look

Wait ayaw magsink in.

"ahh sige po, pasok na po kame. magsastart na po ata yung service"

Habang naglalakad ako palayo, nauna na sakin si Ashley

nagulat ako dahil naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko, hahatakin ko na sana kaso pagtalikod ko

"Paul.."

Bakit parang bigla akong binuhusan ng ice? hindi ako makagalaw at parang bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko... ayoko ng ganito

"Oh Paul, ikaw pala, ba..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko

dahil bigla niya akong niyakap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wasted Chance [Reconstructed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon