Chapter 1

1.9K 38 10
                                    

Alyssa's POV

 

First day of classes na naman bukas, kinakabahan ako pumasok. New student nanaman kasi ako, buti nalang andun yung bestfriend ko.

'To:Paul 

From: Me

Hoy panget samahan mo ako. Bibili ako school supplies. Boring naman kung mag isa lang ako.'

*message sent*

Nilapag ko muna yung cellphone ko para maghanda. 

"Good morning ma! Morning ate!" Pambungad ko sakanila pagkababa ko sa sala

"Good morning princess!" -Mama

"Ay ma, mamaya pupunta po pala kami ni Paul sa mall. Bibili lang po kami school supplies."

"Ikaw bunso ah. Napapadalas na pagsama niyo ni Paul. Mamaya niyan magkadevelopan kayo." pang aasar ni Ate Apple.

 

 "Ate bestfriend ko lang si Paul, hanggang dun lang yun."

"Nako nak, wag mag sasalita ng tapos."

"Ma naman eh!"

Napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate

'From: Paul

To:me

Istorbo naman to oh. Natutulog pa ako eh. Magpasama ka dun sa boyfriend mong kamukha ng aso ng kapit bahay niyo'

Ang sama niya grabe hindi ko alam kung paano ko siya napagtatyagaan eh. Kaiyak

'To: Paul

From: me

Para naman kaya mo akong tiisin. I know you. >:) Luh, boyfriend?

Baka meron ?Basta sunduin mo ako dito samin mamayang 10?. Bangon na! Ligo ka na ah.'

Alam ko namang kahit ganun siya sakin hindi niya parin ako matitiis. Mwahahaha

"Ma sige po bihis na po ako."

"Sige 'nak, magpaganda ka ah. Haha."

Kung makapang-asar talaga 'tong sila mama. Akala mo excited magkaapo eh. Tsk.

8 palang pala, medyo napaghahalataang excited tuloy. 

Habang nanunuod ako, bigla akong may naalala

*flashback*

 

"Alyssa gusto mo ba ako?" -Zac

"H-ha? Ba- bakit mo natanong?"

Wasted Chance [Reconstructed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon