TWO

19 2 0
                                    

RED's POV


Napapasimangot na lang ako sa tuwing naaalala ko yung eksena kanina. Sino ba kasi ang taong yun?

"Ohh bro, mukhang sira na naman araw mo ngayon ha. Anong problema?" kalalaking tao napakatsismoso.

"Mission failed ako kay Berdosa bro!" pansamantala kong naikamot ang aking mga daliri sa buhok ko.

"Mukhang ngayon ka lang nafailed sa mission mission na yan! Ano bang nangyari?"

Nasa tambayan kami at dahil nga sa walang magawa ay ikinuwento kay Charles ang buong pangyayari. Ano pa bang aasahan mo na magiging reaksyon niya.

"Di ako makapaniwala bro, sana pala andoon rin ako para nakita ko yung sinasabi mo!" imbes na tulongan akong mag-isip pinuri pa talaga yung istorbo kanina.

"Puro ka kasi babae! Ang tunay na gwapo hindi babaero" napangisi na lang ako sa sinabi ko.

"Porket loyal ka lang kay Missty, nga pala bro may inoman mamaya banda kanila Fersia, birthday niya daw kasi at imbitado buong barkada."

"Pass muna ako diyan bro, pakisabi na lang kay Jellal na pumunta siya sa pad ko mamaya, may pag-uusapan lang kami!"

Tumango na lamang siya at nagpaalam akong uuwi. May last period pa pero kailangan kong unahin ang mission. Lintek kasi na tao yun.

Araw-araw walang nagbabago. Di ko naman maitatanggi na may itsura talaga ako, kaya napakahabulin kong lalaki. Dadaan lang ako sa corridor di mo na lang mamamalayan na lahat ng mata ay nakatuon na sa akin.

I'am Vanler Red Keetliy, son of a well-known CEO owns a several company in the Phillipines. Dala-dala ko yung apelyido ng ama ko na di lang opisina ang alam, he's a lawyer too.

I'm his invisible son. I have a one older brother which is the favorite of our parents and one older sister which is my true family for me.

Puro na lang si Kuya ang magaling, paano na lang ako? Porket ba wala pa akong napapatunayan kung kaya di nila ako kayang ipagmalaki.

They can't blame me if I'd choose to had this life. A miserable life made by them. They see me as a only shame in our family, well thanks to Ate Zia, she was the one who's motivating me.

Not all rich people are happy, I'am rich. I mean our family are rich but lack of happiness. I maybe the son of a popular person but it doesn't mean Im one of them.

I choosed to live in a pad, where I'am alone. Where I can do anything I want ng walang nagdidikta sa bawat kilos ko.

They know as barumbado,sira-ulo,gwapo,mayaman, at mayabang but behind those words are my suffering from having this kind of life. I keep moving on, I have an inspiration and it is Missty Velgara.

"Andito ka na naman, wala kana bang klase?" salubong sa akin ng babaeng gustong gusto ko.

Nasa kabilang school lang siya nag-aaral, mas matanda siya sa akin pero wala akong pakialam doon. Nakakabading man pakinggan at aminin pero siya ang first love ko.

"Wala na eh." napatungo ako dahil sa nahihiya ako sa kanya.

Lagi ko itong ginagawa, di ako pumapasok sa last period para lang puntahan siya.

"Nakipag-away ka na naman ba? Ang dami mo na namang sugat at galos ohh!"

Masakit isipin pero kapatid lang talaga ang turing niya sa akin.

"Wala ito, nga pala ihahatid kita pauwi ha!" napangiti na ako ng sabihin ko yun sa kanya.

"Boy, pasensya na may group study kami at gabi pa ako makakauwi. Ang gawin mo na lang ay umuwi ka na ngayon at gamutin mo yang mga sugat mo!"

Napasimangot ako. Umiiwas ba siya sa akin, ilang araw nang my group study sila.

"Ah ganun ba, o'sige mag-iingat ka na lang! O' ano mauuna na ako" sana pala di na ako pumunta.

"Ikaw rin, ingat ka Boy sa pagmamaneho mo!" ngumiti na lang siya sa akin.

Wala akong nagawa kundi bumalik sa parking lot kung saan naroroon ang kotse ko.

Nag-vibrate ang phone ko at di ko maintindihan ang mararamdaman ko dahil sa message na natanggap ko.

"It can't be!"

-----------------------------------

Ano kaya ang nangyari? #VanTy or #LeryVan? 😂

Please VOTE and COMMENT.

lovelots-

-MilleRiss♡

The Reality Behind HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon