FOUR

22 1 0
                                    



Bakit pa siya bumalik? Para lasunin na naman ba ang utak ng matandang lalaki?

Hindi ako mapakali sa kakaisip ng puweding rason kung bakit na naman siya bumalik. Kahit malaki ang gap sa pagitan namin ng matandang lalaking yun ay namamayani pa din naman ang awa ko sa kaniya.

"Miss nandito na tayo!" pukaw ng driver sa akin. Sa sobrang pag iisip ko di ko namalayan ang oras.

Magalang kong inabot sa kanya ang aking bayad. Pagbaba ko pa lang ay napahinto ako, ngayon ko lang natitigan ang kabuong labas ng anyo ng apartment ko. Dullness is over on its form. How I wonder if all those people crossing by this way can't even notice this kind of building.

Napabuntong hininga ako ng bilangin ko ang nakuha kong pera mula sa kastilyong di ko na ginusto pang puntahan kanina. I realized how hard to live alone without any source of income. Eh kung magpart time job kaya ako?

Isang buntong hininga na naman ang aking pinakawalan. I choose this life so I need to be responsible for it. I can stand in my own feet in my own dignity. Hanggang kailan?

Tumunog ang aking phone at inunat ko ang aking mga kamay bago ko ito abutin. Tumatawag pala si Derai.

"Oh?" walang hello hello sa magkakaibigan.

"Derai pasyal tayo bukas?" si Derai sa kabilang linya.

Nahihirapan nga ako kung paano ako lalamon sa susunod na mga araw tapos yayayain pa ako nito na mamasyal.

"Oy derai?" kanina pa pala ako di nagsasalita. Magsasalita pa lang sana ako kaso muling biglang nagpatuloy si Derai.

"Don't worry derai its my treat, my hilaw mudrakels gave me a money which is her gift daw. I don't need your answer na. I'll fetch you tomorrow 10 sharp in the morning. Pafeeling prinsesa ka talaga ugly duckling!" yun lang at na-off na ang kabilang line.

Napatawa na lang ako. Thank god for having Derai. I think I need to refreshen up my mind and tomorrow is the right time to do it.

SOMEONE's POV

Malalim na ang gabi, sa di ko alam na bagay ay biglang kumirot ang aking ulo. Tila ba may naririnig ako, isang sigaw na humihingi ng tulong.

Nagmadali akong magbihis ng dapat kong anyo, namuo ang isang kaba sa aking dibdib. Heto na naman ako!

Isang matandang lalaki ang pilit na hinoholdap ng apat na estranghero. Pansin ko na nagtatrabaho ito sa kompanya at tantya ko ay nag-overtime ito dahil sa bakas ng pagod sa kanyang mukha.

"Mawalang galang na sa inyo mga Manong, anong meron at kinakalaiti niyo yang matanda?!" bahagya naman silang napatigil nang makita ako.

Sana makilala niyo ako dahil minsan na tayong nagkita. Kung sila Berdosa ay sa Nobita, etong apat na lalaking ito ay alagad ni Mojojojo, magkasing pangit kasi sila.

"Carding di mo ba siya namumukhaan?!" tanong nung isa habang nanginginig.

Sige lang matakot kayo.

"Ano na naman ha? Makikialam ka na naman. May maganda akong rason kaya ginagawa namin ito!" halos mapasabunot na ang lalaking may pangalang Carding sa pagpapaliwanag sa akin.

"Kailan ka pa nagkaroon ng magandang rason para mang-holdap? Sa pagkakaalam ko kasi isang masamang gawain itong ginagawa niyo? Ano yun, nang-hoholdap kayo kasi ipanggagastos niyo sa isang kasiyahan? Magandang rason ba yun?" napatahimik naman sila.

Hindi ko alam kung bakit napaka-unfair ng bagay sa mundo.

"Bitawan niyo ang matanda, kung gusto niyong magkaroon ng pera, maghanap kayo ng desenteng pagkakakitaan!" mautoridad kong utos sa kanila.

Ngunit nahahalata kong nagmamatigas ang isa sa kanila. Bakas sa mukha nito ang pagkadeterminado na makuha ang salapi mula sa matanda.

"Tonyo, ayaw namin ng malubhang sakit sa katawan. Bitawan mo na ang matanda at ng makatakbo na tayo!" ewan ko kung bulong pa ba yun o isang normal na pagsasalita.

Nagmatigas pa din ang Tonyo na determinado. Di ko namalayan ang kanyang galaw at ang alam ko na lang ay dumudugo na ang gilid ng labi ko.

Sa sunod niyang pag-atake ay di ko na siya pinagbigyan, ginawa ko ang nararapat sa kanya at ang tatlong kasama niya kasama si Carding ay mabilis na kumaripas.

Agad na bumagsak si Tonyo sa sementong kalsada. Nilapitan ko ang matandang kanina ay takot na takot.

"Manong ayos lang po ba kayo?" nanginginig pa ang kanyang kaba siguro ay dahil na din ito sa kanyang takot.

"Oo, maraming salamat. Ang akala ko ay mawawala na ang pinaghirapan ko para sa pagpapagamot ng aking anak. Maraming salamat at dumating ka!" ngumiti at tumango lang ako sa kanya.

Saktong may papadaang tricycle, pinagpasyahan kong parahin ito, pamilyar ang mukha ng matandang ito sa akin at alam kong sa kabilang block street lang ang bahay nito.

Pinapasok ko siya sa tricycle.

"Mag-iingat kayo manong, sa susunod po ay huwag kayong umuwi ng ganitong oras." isang tango lang ang sinukli niya sa akin at muling nagpasalamat.

Kinausap ko ang driver na ihatid ito ng maayos at wag ibababa hanggat wala pa sa tapat ng bahay niya, salamat na lang at mukhang mabait ito.

Papaalis na sana ako pero napansin kong maiiwan ko pala ang isa sa mga alagad ni Mojojojo, gumagalaw na ito ng kunti at nakamulat na rin ang dalawang mata ngunit namimilipit pa rin ito sa sakit.

Lumapit ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na marami siyang tatoo sa katawan. Adik ang isang 'to!

Anim na kataga lang ang binitawan ko at umalis na ako.

"SEE YOU WHEN I SEE YOU!"

----------------------------------

Whats up? Hello po sa mga readers out there 😊 we can be friends, sasaya po ako kung makakatanggap ako ng comments from all of you! I need some feedbacks.

(Unedit Chapter)

PLEASE VOTE AND COMMENT.

-MilleRiss♡

The Reality Behind HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon