SIX

30 0 0
                                    


MILLERY's POV

"Derai, ang ganda dito!" napawow ako dahil sa ganda ng lugar kung saan man kami ngayon.

Nasa lugar kami kung saan andaming sunflower , yung parang sa Jeju Island.

"Alam ko Derai kaya nga ito ang napili ko, you ang mga beauty natin ay kailangan ng ganitong karelaxing na lugar." kasalukuyan niyang inaayos ang blanket at mga baon namin.

"Hindi obvious na naghanda ka talaga. Ano bang meron ngayon?" alam ko na di siya maghahanda ng ganito kung hindi special ang araw na ito.

Saglit akong napatigil at naisip ko nga ang isang bagay, "Derai, birthday mo pala ngayon! Oh my goddd!", di ko napigilan at nayakap ko siya.

Nakakahiya siya pa ang may birthday tapos siya pa nagtreat.

"Ouchyyy Derai, nakakadiri ka!" hinampas hampas pa niya ako.

"Nakakalungkot wala man lang akong gift para sayo!" naupo ako sa harap nito at tinulongan ko siya sa pagpeprepare ng baon namin.

"Cheer up Derai, I don't want a drama drama ngayon. We're here to enjoy this day and this place!" he smiled at me.

Kabila kabilang tunog ng camera ang maririnig mo dahil sa dumami na ang mga tao na namamasyal dito ngayon. Yung iba family bonding tapos may mga couples like hello halos araw araw may nakakaencounter ako ng ganito at yung iba naman ay barkada-friendship bonding.

Nakaramdam ako ng lungkot ng mapagmasdan ko ang isang pamilya na sobrang saya. I remember the moments and times when we was complete, when my family is absolutely happy. Bumuntong hinga na lang ako.

Mabilis na lumipas ang oras at papauwi na kami ngayon, Im very happy at the same time so relax. Quarter to 7 pa naman kaso napakadilim na.

Pinaandar ko ang radyo ng kotse ni Derai para naman di tahimik yung atmosphere namin.

Napapansin kong kanina pa tingin ng tingin si Derai sa akin at base sa reaksyon ng mukha nito ay nag-aalala siya.

"Derai, ano ba yang mukha mo ha?" tinigil niya ang pagmamaneho at initabi ang kotse sa daan.

"Derai, I have something to say!" lalong lumungkot ang mukha nito na nakapagpakaba sa akin.

Yumuko muna ito at pinaglaruan ang kanyang mga daliri na parang bata.

Tinapik ko ng mahina ang balikat niya, "Uyy derai, ano ba yung sasabihin mo?"

"Derai Im sorry, pero kailangan kong lumipat sa states!" nagulat ako pansamantala.

Di nagsink-in agad sa utak ko ang sinabi niya. My bestfriend is leaving!

"Bakit?" pinipigilan ko ang namumuong luha sa mata ko.

Muli na naman ba akong mag-iisa?. Iiwan na naman ako ng isang taong mahalaga sa akin.

Kinuwento niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumipat, napag alaman kong may sakit ang Daddy niya at kailangan niya itong makita. Kaya naman pala sinulit niya ang araw na ito dahil isa na din ito sa pamamaalam niya.

Masakit maiwan ng isang kaibigan lalo na't nakasanayan niyo na ang dalawa.

"Im sorry derai, mamimiss talaga kita ugly duckling!" umarte pa itong nagpupunas kunwari ng luha, napatawa na lang ako.

Gustohin ko mang pigilan siya pero wala akong karapatan para gawin yun, kaibigan lang niya ako at hindi pamilya.

Malapit na kami sa block na kung saan ang apartment ko ng may parang nasagasaan kami. Dahil sa gulat ay napalabas kami agad mula sa kotse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reality Behind HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon