Chapter 1

3 0 0
                                    



Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin dahilan ng pagbaba ng hoodie na suot ko. My hair started to go crazy so I set it aside on my right shoulder.

Tinaas ko ang tingin sa aking harapan at nakita ang malalaking mga letra na bumabasa ng Celsia Academy. Ang gate sa aking harapan ay kasing taas ng isang normal na puno at kulay ginto ang metal na nakapalibot dito. High thick walls are surrounding whatever is in the inside of this gate.

"Anak, hanggang dito lang kita maaaring samahan. Hindi na siguro tayo makakapagkita sa susunod na mga taon. Nakakalungkot man ito pero kailangan" biglaang sabi ni Daddy na syang nag palingon sa akin patalikod. Dala dala nya ang mga maleta na naglalaman lahat ng gamit ko.

Malungkot akong lumingon sa kanya at nakita kong muli ang kanyang mukha na unti unti nang nagkakaroon ng kulubot na nagsasabi ng kanyang katandaan. Ang mga puting buhok ay nagsisimulang magsitubuan sa kanyang buhok. Ang mga matang kulay asul ay unti unting natatabunan ng luha sa kanyang mata.

"Hindi mo man ako mapatawad dahil dinala kita dito, ayos lang a-anak. Alam kong makakaya mo ang pag aaral dito. Promise me, na babalik ka, na babalikan mo ko kami ng mommy mo"  lumuluhang sabi ng daddy ko. Nakakalungkot na makita ang matapang na lalaki na nagpalaki sa akin ay umiiyak ngayon.

"I can't guarantee that dad, but I'll try. I promise" sabi ko at iniwas ang tingin sa lumuluhang mga mata ng aking ama.

"Then, that's good enough. Remember, we'll always be here for you" isang malugkot na ngiti ang ibinigay nya sa akin.

"Sure dad, goodbye" tipid na ngiti ang binalik ko sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit at bumalik na sa kanyang sasakyan. Kitang kita ko ang pangamba sa kanyang mga mata habang tumitingin ng pabalik balik sakin.

Pinaandar nya ang kanyang sasakyan at unti unting naglaho ito sa nagsisilakihang mga puno. Isang patak ng tubig ang tumakas sa aking mata na agad kong pinunasan.

I know, I understand dad. Don't worry. Hindi ko man pinakita sa kanya na naapektuhan ako sa desisyon nila ni mommy pero ang totoo gusto ko na silang sumbatan. Pero hindi matatabunan ng galit ang pagmamahal ko saking mga magulang.

Napangiti ako ng mapait sa aking sarili habang pinipigilan na tumulo ang mga luha sa aking mata.

Ibinalik ko ang tingin sa gate ng school at nakita ang isang babaeng may maikling buhok na naghihintay sakin. Isang ngiti ang iginawad nya at sinalubong ako.

"Welcome to Celsia Academy, Ashleigh Asterwood"

---

Inilibot ko ang paningin ko sa nagsisilakihang mga room kung saan kami mag aaral pag nagsimula na ang klase.

"That's the open field, that's where you're gonna go tommorow morning for the assembly" she said while pointing at the big open field outside the window. Nilibot nya ako sa kalahati ng academy at masasabi kong napakalaki at napakaganda nito. Inabot kami ng halos dalawang oras sa paglilibot.

"We're running out of time, maybe you can just ask your roomate to tour you the rest of the academy I haven't show you" sabi nya sa akin at nag simulang mag lakad muli.

"Is there any rules to be follow here Maam?" I asked coldly as I stared at her with my deep grey eyes. She stopped walking and look at me.

"I'm glad you ask that, but there's too much rules in this academy and it will take us forever. Kailangan mo lang malaman ang basics and you'll be fine" she replied while smiling beautifully.

"Basic rules are very simple, you just need to salute to your superior. Pay respect to the strongest, don't go outside the academy, attend all your classes and etc " dugtong nya at tinignan ako gamit ang mga seryoso nyang mga mata. Tinitigan ko din sya pero agad na nag iwas ng tingin.

Celsia Academy: Blinded by the DarknessWhere stories live. Discover now