Chapter 15

177 5 1
                                    

Matatapos na ba? Di ko alam. May nagbabasa ba? Ewan ko. Dumadami yung reads pero yung feedbacks Nga-Nga. Sana kahit comments man lang e hndi niyo ipagdamot. T_____T

So here's chapter 15. LOL. :D

Chapter 15 ~

Nagulat ako sa taong nasa harap ko. Hndi ko expected na after ages eh makikita ko nanaman siya. 

"M-Mama." Bulong ko. Nakatayo lang ako sa pwesto ko. Mga 3-inches malayo sa pinto. Nabigla kasi ako. Hndi ko expected na ganto ang aabutan ko pagdating ko.

Nakatayo lang ako as in literal. Nakatitig sa kanya.

" Mama " Ulit ko, ngayon mas malakas na.

Napatigil sila sa kasiyahan nila. Lumingon sila sa akin. Si paps, mama, at si Tam-Tam. Wala pa siguro si kuya.

Napansin siguro ni mama na nakatulala lang ako kaya lumapit sya at niyakap niya ako.

"Shalea Janine! Hndi mo alam kung gano ako na-miss anak." Garalgal na pagkakasabi niya. Napayakap na din ako sakanya. God knows kung gano ko na-miss si mama.

Ang tagal kong niyakap si mama. Maya-maya e may pumatak ng luha sa mata ko. Kumalas na din ako sa yakap ni mama. Naglakad ako palapit kila paps at humalik sa pisngi nya. Ganon din ang ginawa ko kay Tam-Tam.

"Bat napauwi ka mama?" Tanong ko pagkaupo ko. Si mama nakatayo padin sa pinto.

Nakatulala lang sya pero bigla syang ngumiti nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya.

"Namiss ko na kasi kayo ng sobra. Akala ko kasi kasama kayo ni dad papunta nila ni Tam-Tam ng Italy."

"Ah. Nag-outing po kasi yung barkada nun e. Sorry po." Nakita ko kay mama na nasaktan siya. Para bang kulang na lang e sabihin niyang inuuna-mo-nanaman-ang-barkada-mo.

Napatayo si mama. "Ah naiintindihan ko. Kumain ka naba?"

"Nakapagmerienda naman na po ako sa school."  Tumayo na din ako. "Magpapalit po muna ako." Paalam ko sakanila.

Nagpalit lang ako ng pambahay at bumaba na din.

Magsasaing na dapat ako kaso pagtingin ko sa rice cooker e may nakasalang na.

Lumabas kaagad ako sa sala.

"Paps, may sinalang na po palang sinaing?"

"Ay nagsalang ako kanina akala ko kasi hndi ka pa kumakain." Sagot ni mama.

"Ay ganon po. Ano kasi ma," May gusto kong sabihin. Kaso hndi ko masabi kasi baka ewan, natatakot akong magsalita. Shems. Di ko forte to.

"Bakit?" Lumapit sakin si mama.

Pumasok kami ng kitchen at dun ko sinabi. "Tuyot po kasi e. Kulang po sa tubig." Pinakita ko sakanya yung sinaing.

Paglingon ko sakanya, nakatingin lang siya sa kanin. Na-offend ko ba si mama? "Ma, sorry po. Hnd naman po sa--"

"Ay sorry anak. Ngayon nalang kasi ako nakapag saing ulit. Puro pasta kasi don e." Putol ni mama sakin. Guilt alert. Feeling ko talaga na-offend si mama.

"Sorry ma. Magsasalang nalang po ako ng bago."

"Hndi na, sa labas na lang tayo kumain." Tapos hnila ako ni mama papuntang sala.

Pagkaupo ay may binigay siyang handcarry na bag sa akin. Mdjo malaki siya kaya inilapag nalang ni mama.

"Ayan yung para sayo anak. Hiniwa-hiwalay ko na yung mga pasalubong niyo. Ibalik mo nalang sa aking yung bag pagkatanggal mo ng laman." Sabi ni mama. Tumango nalang ako.

Deal or No Deal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon