True Story Of Student Teacher And Their Unknown Status

292 1 0
                                    

tut tut tut..

tumutunog ang alarm, alas 9:00 ng umaga, inaantok pa na tumayo at namumuo ang muta sa kanyang mga mata.

nag handa si dan sa pagpunta sa pinapasukan niyang unibersidad.

isang oras ang biyahe para makarating sa kanyang patutunguhan.

malaya nanaman si dan, sa bahay na tinatawag niyang hitler's house.

3rd year college na si dan at mag sesecond sem na, sa kursong engineering technology, sabik na sabik sa mga bagong makilala.

enrolment, alas dose ng tanghali. mainit, pahirapan na makakuha ng registration form.

mahaba ang pila sa cashier para makapagbayad ng tution, palibahasa goyerno ang kanyang unibersidad na pinapasukan, kaya ganun nalang at nag iisa ang cashier.

sa inip ni dan, tinignan niya ang kanyang subjects sa registration form.

pang gabi si dan, kaya pito lang ang kanyang subjects at 19 units lang.

alas singko na rin ng hapon ng matapos makapag bayad si dan ng kanyang tuition.

uuwi nanaman siya sa kanilang bahay, ayaw na ayaw ni dan na umuwi sa kaniyang tinitirhan, kasama ang kanyang lola, at ang pinsan niyang batugan.

alila si dan ng kanyang lola. palibhasa ay nakikitira lang.

bago pumasok sa kolehiyo si dan, pinili ng ama ni dan na tumira muna sa kanyang lola at ito ang mag paaral sa kanya.

nobyembre na, unang pasok ng second sem sa eskwela.

sa gobyernong unibersidad ni dan, bawal ang mahaba ang buhok, suki na si dan ng mga guard para sitahin sa mahabang buhok at sa hindi pag suot ng kanyang I.D.

pag pasok ni dan sa gate ng kanyang pinapasukan, sinalubong si dan ng isang guard na tila ba ay isang buhay na budda sa laki ng tiyan na nag ngangalang mang karding, at bumanat ng linyang "iho, ang haba ng buhok mo ah, unang araw ng pasukan, kailan mo papagupitan yan."  

sawang sawa na si dan sa mga ganitong eksena.

pagdating sa loob, tumingin sa paligid para makahanp ng kanyang mga kakilala, wala siyang makitang mga kakilala.

tumingin sa kanyang schedule si dan. integral calculus pala ang kanyang subj., naglakad lakad siya at nakita niya ang kanyang mga kaklase, kanya itong nilapitan sabay tanong, saan ang room natin?? sabay sagot ng kanyang kaklase, "dito pare, bigkas ni tom".

nagtataka sila, sino kaya ang prof natin sa math, chiks kaya? sabi ng kaklase ni dan na si tom. 

sabay sabi ni dan na " chiks ka diyan, asa ka pa, alam mo naman dito sa school natin puro matatandang dalaga ang prof dito."

nagpapasukan na sa classrom ang kanilang mga kaklase, ang magkaibigan. nagtinginan sa nakita. pag upo sa silya sabay tawa agn dalawa,

isang matandang dalaga nga ang prof nila sa math. 

tiyak pag iyong nakita ay magmamano ka, pero take note single si mam.

ano ba naman yan, kala ko pa naman chiks na ang prof natin sa math, bigkas ni tom. 

ano ka ba, malay mo naman sa ibang subj natin. may magandang prof na magtuturo sa atin.

dumating ang araw ng miyerkules, physics laboratory at drawing ang subj ni dan. 

natapos ang physics laboratory. at dali daling pumunta si tom sa kanyang susunod na subj. ang drawing. ngunit walang prof na magututuro sa kanila.

dumating pa ang ilang araw ng miyerkules ngunit walang humaharap para magturo sa kanila. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Story Of Student Teacher And Their Unknown StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon