"TANGA lang? Nagkamali ng kuwartong pinasukan?" singhal sa kanya ni Martha nang makabalik sila sa room 275.
Bagsak ang mukha niyang nakatampal sa noo ang kamay. She was sitting on the edge of the bed and she looked like shit. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hang over. Ano bang kagagahan ang nagawa niya kagabi?
"Bingi ka ba o hindi ka lang marunong magbasa ng room number? 309, Reezelda! Bakit sa 306 ka napunta?"
She looked up at her cousin who was furiously pacing back and forth in front of her. "I was drunk, remember? Nahilo ako kaya siguro hindi ko nabasa nang maayos ang room number."
"Eh kung hindi ka naman kasi gaga, uminom ka pa ng sobrang tapang na wine kagabi." Huminto si Martha sa tapat niya at nagpamaywang. "You screwed everything up!"
Napikon na siya. "Kung makapagsalita ka, parang ang laki ng nawala sa'yo! Ano naman ang tingin mo sa nangyari sa 'kin?" She was obviously not talking about her virginity, but about her dignity for Christ's sake! Ihain daw ba niya nang libre ang katawan sa kung sinong lalaki?
"Kasalanan mo 'yan!" Pabagsak na umupo ang pinsan sa tabi niya, panay ang iritableng pakawala ng hangin. Maya-maya lang ay umusod ito palapit sa kanya at naging mapag-usisa ang itsura. "But tell me, did something really happen between you and that stranger?"
Umarko ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Sa tingin mo ba magiging ganito ang itsura ko kung wala?"
Martha cleared her throat, big eyes beaming. "Infairness, guwapo siya ha."
Kanina lang ay gusto na siyang sakmalin ng pinsan, tapos ngayon, change mood agad? Kung minsan, gusto niyang isipin na bipolar si Martha. "Nakita mo ba kung paano niya 'ko tignan at ngitian nang nakakaloko?" Uminit na naman ang ulo niya nang maalala kung paano siya pinagmasdan ng ungas. He made her feel like she's a cheap whore!
Saka siya may biglang naalala. Hinagilap niya ang video cam at in-on pero—no card? Mabilis niyang sinilip ang memory card slot. Walang laman. Imposible! Sigurado siyang nai-save pa niya nang maayos ang video kagabi.
"Saan napunta 'yon?"
"Ang alin?" tanong ni Martha.
"'Yung memory card. Wala dito." She double-checked the cam but it was still empty. Wala rin sa loob ng pouch o kahit sa kama.
"Hindi ba natanggal, nalaglag or something?"
"Imposible. Ngayon ko lang naman 'to binuksan—" Naalala niya ang lalaki sa room 306. Posible kayang kinuha nito ang memory card? Pero sigurado siyang wala itong alam tungkol sa video cam na itinago niya.
Nag-vibrate ang phone niya. Unknown caller.
"Hello?"
"Hi room-crasher." Namilipit ang mga bituka niya nang marinig ang pamilyar na husky and handsome voice na iyon. Mas lively nga lang iyon ngayon kumpara kagabi. In her mind, she could hear him groaning and panting just like last night—while he was wildly pounding inside her.
Nakagat niya ang ibabang labi. Nagkamali siya ng pasok ng kwarto. Nagkamali siya ng inakit na lalaki. May mas tatanga pa ba sa kanya?
"Still remember me?"
"S-Sino 'to?" pagmamaang-maangan niya.
Tumawa ito. "Oh c'mon, nakalimot ka na agad? After what we did last night?"
"Paano mo nalaman ang number ko?" Kinabahan siya bigla.
"Hmm... I just did a little chat with a female hotel staff, Miss Reeze." Ganoong kabilis ito nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/124520995-288-k349897.jpg)
BINABASA MO ANG
THE RIGHT WAY TO LOVE [PUBLISHED by Bookware Publishing]
RomanceNagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silan...