"A GAME?" Napamaang si Reeze. Marcus smiled cryptically and crossed his solid arms. She continued, "Fine. I'll tell you. The truth is, nagkamali lang ako ng pasok sa kuwarto mo." Hinintay niya ang reaksyon ni Marcus, pero blangko ang mukha nito habang nakikinig sa kanya. "H-hindi naman talaga dapat ikaw ang..."
"Are you telling me na ibang lalaki dapat ang plano mong akitin? But the thing is, dahil nalasing ka, nagkamali ka ng pasok ng kuwarto at inakalang ako 'yon?"
Sunud-sunod siyang tumango na parang batang tinanong kung gusto niyang mag-Jolibee. "Exactly!"
"Sa tingin mo, maniniwala ako?"
Bumagsak ang mukha niya. "Pero 'yon naman talaga ang nangyari."
He rubbed his brow. "If you're really that stupid, then it might be possible." Ouch! Sakit n'un ah!
"Gusto mo ng paliwanag 'di ba? Binigay ko na sa'yo," aniya.
"It's not convincing." Marcus pursed his lips and slowly shook his head.
Sa sobrang inis, madali niyang dinampot ang cellphone niya.
"Calling someone?"
"Tatawagan ko ang pinsan ko at ipapakausap ko sa'yo. She's Martha Benidez, ang anak ng may-ari ng hotel na 'yon. And let me tell you this, kakainin mo 'yang sinabi mong hindi convincing!"
He smirked. "Go ahead. Call a witness."
Inirapan niya ito. "Hello Martha?"
"Busy ako ngayon Reeze, saka na tayo mag-usap."
"Wait. Sandali lang—Hello?" Oh that witch! Babaan ba siya ng telepono?
"Ano na?" Nang-aasar na tumingin sa kanya si Marcus.
"Look, Marcus." She licked her lip again.
"Don't do that!" mabilis at matigas nitong sabi nang mapatingin sa mga labi niya. She grinned to herself. Pero mabilis din niyang ibinalik sa issue ang atensyon. This was no time for flirting. "Nagsasabi ako sa'yo nang totoo. That night, nakainom lang ako. Ni hindi ko na nagawang basahin nang malinaw ang room numbers kaya ang kuwarto mo ang napasok ko. "
"Hmm..."
"Ano pa bang paliwanag ang gusto mo?" Napipikang naipalo niya ang kamay sa mesa. Wala siyang pakialam kung napalingon sa kanila ang ilang customers na naroon. "Fine, sasabihin ko na sa'yo lahat-lahat." Para lang matapos na ito, lulunukin na niya ang pride niya. Ikinuwento niya kay Marcus ang lahat ng tungkol sa sex scandal-whatever-plan ni Martha. Pati ang dahilan kung bakit napapayag siya sa gusto nito. "Siguro naman, maniniwala ka na."
Hindi sumagot si Marcus. Kiniling lamang nito ang ulo at pinag-aralan siya ng tingin.
"Hoy, sinabi ko na ang lahat sa'yo. Ibalik mo na sa 'kin ang memory card at magkalimutan na tayo!"
Umiling-iling ito. "I can't forget what happened. Or you."
Pinamulahan siya. "'Just think of it as another one night stand of yours, will you?"
Tahimik itong sumimsim ng red tea.
Kumuyom ang dalawang kamay niya. Malapit nang maubos ang pasensya niya sa lalaking ito. Still, she took a deep breath. "Okay, ganito na lang. I-delete natin ang video. Kita dapat nating pareho—"
"Let's have a deal," putol ni Marcus at tumingin nang diretso sa kanya.
"What deal?"
"Be mine, and I'll be yours."
Napabuga siya ng hangin. "Ano bang kalokohan 'yan?"
"We'll be seeing each other exclusively in three months. After that, I'll give you back the memory card. Pareho naman yata tayong single and available, so this could work."
BINABASA MO ANG
THE RIGHT WAY TO LOVE [PUBLISHED by Bookware Publishing]
RomanceNagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silan...