Happy Start

19 1 3
                                    

Jheysi's POV

First day of school ngayon buti nalang at classmate ko parin si Greys hanggang ngayon. May mga kilala naman ako si Dezah, Kathy, Jheya, Jemmy. Sila at may iba pa pero syempre konti lang. Magkakasama kami nila Dezah ngayon dahil iisa lang ang section namin anim. Spiral ang section namin. Hinahanap namin ang room namin ngayon kanina pa kami paikot ikot. Nang may makita na naman akong isang room hinila ko sila dun at sinabihan na baka ayun na ang room namin. At tama naman ako yun nga. Umupo kaming anim. Magkakatabi kami dahil hindi pa naman inaayos ang uupuan namin. Nagpakilala lang kami at kung ano ano na ang sinabi ni maam. Maya maya pa nakita kong lumalabas na ang mga kaklase ko. Tinignan ko sila nagdismiss na pala. Ganun na ba ako katagal na nakatulala?. Well siguro nga. Niyaya na ako nila Kathy para pumunta sa canteen. Habang naglalakad kami naguusap sila samantalang ako tahimik lang sa gilid. Hindi ko rin alam kung bakit tahimik ako ngayon.
Napansin ata nila na tahimik ako kaya tinapik nila ako.

"Uy tahimik ka dyan?" sabi ni Kathy.

"Hindi ko rin alam kung bakit tahimik ako ngayon eh." sabi ko. Kasi kapag nagkekwentuhan kaming anim ako lagi ang hagalpak ang tawa kaya kahit ako nagtataka kung bakit.

"Ahhh ok." sabi ni Kathy. Nagsimula nanaman silang magkwentuhan. Nagtaka ako bakit sila tumigil. Pagtingin ko. Ahhh kaya pala. Meron lang namang anim na lalaki ang makakasalubong namin. Well naging pito dahil may biglang sumulpot sa likod nila at sinabayan pa sila sa paglalakad. Nang huminto sila huminto din kami.

"Hey." bati nung isa sakanila.

"Hi." sabi ni Jemmy. Type nya toh? Well siguro. Hindi naman kagwapuhan pero hindi din naman kapangitan. Yung biglang sumulpot kanina nakatitig lang sya sakin. Padaan na sana ako kaya lang dalawa silang humarang sa daraanan ko. Infairness ang haba ng hair ko dalawa ang haharang sayo at ang gagwapo pa.

"Uhhhm pwede na ba akong dumaan kung wala naman kayong kailangan." sabi ko sakanila. Inabot nung isa yung kamay nya.

"Neil." pagpapakilala nya. Inabot ko nalang din ang kamay ko para matigil sya. Naiinggit ata yung isa inabot din nya ang kamay nya.

"Ryan." inabot ko nalang din.

"Sige aalis nako." sabi ko sakanila. Pinadaan na nila ako. Habang naglalakad ako pakiramdam ko may sumusunod sakin kaya tumingin ako sa likod ko. Meron nga yung dalawa. Hindi ko sila pinansin dahil baka iba ang pupuntahan nila. Kaso pagdating ko sa canteen nandun parin sila at nakasunod sakin. Umupo na ako at umupo rin sila kung saan ako umupo. Umorder na ako at ganun den sila. Habang kumakain hindi ko maiwasang tumingin sakanilang dalawa. Kada titingin ako sakanila nakatingin din sila. Hanggang sa pagtapos kong kumain nakasunod parin sila. Buti nalang nakasalubong ko sila Kathy.

"Kathy." tawag ko kay Kathy. Lumingon naman sya. So kasama pa pala nila yung mga nakasalubong namin kanina na mga lalaki. Close agad?.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko sakanila.

"Pupunta na sa next class. Kanina ka pa namin hinahanap eh buti na nga lang at nakasalubong ka namin. Mamaya ko na sila ipapakilala sayo." sabi ni Kathy.

"Ahhh ok." sabi ko sakanila atsaka sumunod. Pagtingin ko sa likod ko. Hayyy salamat wala na silang dalawa. Pagtingin ko sa gilid ko yung dalawa nakangisi. So hindi talaga nila ako titigilan. Bahala sila sana mapagod sila. Nang makarating kami sa next class magkakasama parin kami. Teka wag nilang sabihin na magkakaklase kami.

"Oo nga pala Jheysi magkakaklase tayo sa class nato." kakasabi ko palang na sana wag kami magkakaklase eh. Hayst. Umupo na sila partner partner sila at may tatlong upuan ang natira para saaming tatlo. Mauupo na sana ako sa gilid pero inunahan ako nung Neil. Paupo na din sana ako dun sa kabilang dulo nang umupo naman dun yung Ryan. Inaasar ba talaga ako ng mga toh. May nakita akong isa pang upuan sa malayo sakanila kaya lang papunta palang ako dun may umupo na agad. Ano bayan. Wala na akong choice kundi dun sa gitna nung dalawa. Habang nagsasalita ang teacher namin sa harap tumingin ako saglit dun sa dalawa. Si Ryan nilalaro ang kamay nya. Si Neil nakapangalumbaba at tulala. Binalik ko nalang ang tingin ko sa harap at nakinig. Pagkatapos ng klase namin nag dismiss na ang teacher namin. Niyaya ko na sila Greys na umuwi na. Iisang bahay lang ang tinitirahan namin. Kaya sabay sabay kami umuwi. Nang makarating kami sa bahay agad akong umakyat sa kwarto ko atsaka nagpalit ng damit at nahiga. Maya maya pa ay biglang umingay at parang dumami ang tao sa baba. Sino yun? May iba napalang nakakaalam ng bahay namin. Ang alam ko ang mga magulang at kami lang ang nakakaalam ng bahay/address namin eh. Hindi rin nagtagal tinawag ako ni Dana.

"Jheysi baba ka." sabi nya.

"Anong meron?" tanong ko bago bumaba.

"Wala lang nagdala lang sila ng pagkain." sagot nya.

"Huh? Sinong sila?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta malalaman mo kung sino. Bumaba ka na para malaman mo."

"Sige mauna kana." sabi ko. Tumango nalang sya. Inayos ko ang sarili ko atsaka bumaba. Nang makita ko kung sino biglang nag iba ang mood ko. Nakasimangot akong umupo sa tabi ni Kathy.

"Oh ba't naka simangot ka?" tanong ni Dezah na sobrang laki ng ngiti.

"Wala!" medyo pasigaw kong sagot.

"Meron ka ba ngayon?" tanong ni Dana.

"Hoy! Wala ah!" Pasigaw kong sagot.

"Eh ba't ganyan ka?" tanong naman ni Kathy.

"Wala nga!" sabi ko.

"Wala eh nakasimangot ka." Sabi ni Bella.

"Bahala nga kayo dyan!" sabi ko. Magwa walk out na sana ako ng may dalawang kamay ang humawak sa dalawa kong braso. Pag harap ko yung dalawa nanaman.

"Saan ka pupunta?" sabay nilang tanong.

"Paki nyo!" pabalang kong sagot.

"Sungit!" sabay nilang sabi.

"Talaga!" sabay talikod at aakyat na sana.

"Teka!" sabay nanaman nilang sabi.

"Ano nanaman?" irita kong tanong.

"Bakit ba galit na galit ka samin?" Tanong ni Ryan.

"Oo nga." pag sang ayon ni Neil dito.
Inirapan ko lang sila atsaka umakyat. Haaaaasyt. Buti pa dito walang mga asungot na nangungulit.

"Talagang galit ka eh noh." Akala ko walang asungot sumunod parin pala.

"Anong ginagawa nyo dito?" irita at pasigaw kong tanong dahil naiinis na ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oops! Putulin muna natin at masyado ng mahaba. Hope you like it. Abangan ang mga susunod na mangyayari at alamin ang pinaplano nila para maghiganti..............

And sorry po kung wala akong prolouge. Sorry talaga eh kesa naman po burahin ko pa yung Chap. 1 diba? Ok lang yan. Keri nayan. Thanks😊

The Big Five and The B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon