Laro Tayo (SPG)

602 9 0
                                    


Maglaro tayo ng tagu-taguan
Tagu-taguan ng nararamdaman
Kung sino man ang aamin
Ay wag sana nyang pagsisihan

Maglaro tayo ng habulan
Ako ang taya at ako'y iyong tatakbuhan
Ayos lang na habulin ka basta lagi kang masilayan
Hala! Ang layo mo na pala ba't di ko namalayan?

Sige magbibilang ako
Mula isa hanggang sampu
Pag di ka dumating
Ako'y susuko

Aaminin ko, hindi ako eksperto
Sa larong hinahabol mo sya at ako ang naghahabol sayo
Teka! Teka! Parang mali na 'to
Ba't hindi ko alam na sa larong ito ay tatlo tayo

Alam mo pala?
Ba't di mo sinabi sa akin na may sinali kang iba?
Alam nya ba?
Na sa larong ito ay kasama sya?

Ako na ang taya, ako pa ang nagpaparaya
Sige lang, ayos lang sa akin na ako'y madaya
Kahit na sa larong ito, ikaw lang ang natutuwa
Aalis na ako, baka mas masaya pag ako ang nawala

Sa larong tagu-taguan
Walang umamin, pero may nararamdaman
Masaya ka habang ako'y nasasaktan
Susuko na ako kaya paalam

Flor's Collection PoemWhere stories live. Discover now