"AKO YUNG PINUTOK SA LOOB PERO HINDI PINANAGUTAN" (SPG)

3 0 0
                                    

Nay! Tay! Buti hindi ako nasama sa mga nagtalsikan,
Pinilit ko kasing isiniksik yung likido at puti kong katawan sa milyun-milyong nag hahabulan,
Tuwang tuwa pa nga ako nung sa wakas ako yung nanalo sa labanan,
Pero ba't nung lumabas ako isa isa kayong nag aalisan.

Tuwang tuwa pa nga kayo nung ginawa nyo ako,
Umuungol minsan pa ubo-ubo,
Tawag ng laman sabi ng isa sa inyo,
"Panu na'to pag may nabuo?"
"Pananagutan," sumagot ang isa sa inyo.

Yung "Ahh! Ahh! Sige pa!" Ninyong dalawa,
Ay nagiging "Tama na! Ayoko na"
Yung dating "iputok mo sa loob" habang sa sarap nangingisay,
Ay nagiging "sige iputok mo at ng mamatay!"
Dating haplos ng mga kamay ngayo'y napalitan ng kamao ni itay at sampal ni inay,
Hanggang sa tuluyan ng maghiwalay.

Teka? Sa'n na yung mga pangakong pananagutan pag may nabuo?
Dito nyo nga ako iniwan sa lolo't lola ko?
Sila din nagturo sakin magsalita't maglakad
Eh, wala nga kayong ambag kahit isang letra nung una kong pagsulat.

Habang lumalaki ako, tay naging kamukha raw kita;
Kaya ako laging napagbuntungan ng mga masasakit na salita ni ina,
Hindi man lang ako kayang alukin ng "Anak kumain ka muna,"
Mas inuuna nya pa yung panunumbat sa mga binibigay nyang damit at pera.
Tay sa'n ka na ba?

Teka? Ba't parang kasalanan ko pa?
Bakit ako yung nakaranas ng pait habang kayo ay masaya na sa iba?
Gusto ko rin namang maranasan ang sumaya at pagmamahal ng isang ama't ina,

Nung una nyo kong ginawa naalala nyo pa ba yung pakiramdam?
Gumagawa ng bata habang ang isa't isa'y hinuhubaran?
Wag lang marinig ng iba kaya'y nagbubulungan?
Nay! Tay! Ako yung pinutok sa loob pero di pinanagutan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flor's Collection PoemWhere stories live. Discover now