“Paalam na”
Bungad mo sa akin nang muli tayong nagkita
Sa dati nating tagpuan
Kung saan dun ka rin nagpapaalam“Hindi na pwede, kalimutan mo na ang nakaraan”
Pinilit kong intindihin kahit na naguguluhan
Wala ako kahit ni isang salita
Ang tangi lang sa akin ay ang pagpatak ng aking luha“Tahan na”
Kasabay nun ay ang paglapit ng iyong mukha
Walang nagbago sayo
Gamit mo parin yung pabango na paborito ko“Ang ganda mo parin”
Ang mata mong mapang-akit muli sa akin nakatingin
Humakbang ako paatras
Ngunit hinawakan mo ang kamay ko't muling nagbigkas“Mahal kita ngunit wag ka ng umasa,
May bago na ako at mas mahal ko sya,
Oo sinabi ko sayong ikaw lang
Ngunit sa paglipas ng panahon nagbabago pala ang nararamdaman.”Nais mang tainga ay takpan
Ngunit mas pinili kong marinig ang katotohanan
Sino ba sya? Sya ba'y higit at nakakalamang?
Ang mga tanong na yan sa aking isipan“Pwede pa naman diba?
Kahit merong SYA--
Ayos lang sa akin maging pangalawa,”
Pati ako'y nabigla sa aking binitawang salita
Ngunit mas nagulat ako sa iyong pinakitaIsang maliit na kahon
Ito'y isang alaala ng ating kahapon
“Diba ito ang gusto mo?
Ibibigay ko na to--patawad ngunit hindi sayo.”Sa pagkakataong ito'y tumakbo ako--
Wala man akong nakita na kahit ano dahil sa mga luha ng mata ko
Ramdam ko ang mga yapak mo
Sinusundan mo ako habang lumalayo sayoKasunod nun ay isang malakas na busina
Tinulak mo ako at ikaw ang bumulagta, duguan ka habang nakahiga
Dito ako ngayon sa iyong puntod
Tatlong taon din simula nung kwento natin ay ibinuodKasabay ng pagsara ng aklat
Tumayo ako't naglalakad
Dalawang paa sa lupa ay bakas
“Paalam mahal, kasal ko bukas.”