Tiffany Anne's POV
nagstart na kaming magklase nun...tumabi bigla sa upuan ko si Patricia
pagkatanong ko sa kanya kung sino yung babae na tinarayan ako kanina
"Mary Anne Lee pala name nya...napakaplastic nya pagdating sa mga teachers naten, ang taray, arte pa..tss kakainis naghahanap ng away kahit first day pa lang..." sabi ko kay beb Pat na mukhang naiinis din...
bakit kaya?
may past ba sila?
maitanong ko nga...
"umm...beb matanong lang, bakit ang sama rin ng tingin mo sa kanya, eh ako lang naman inaaway nya tungkol samen ni Miguel?" tanong ko
ang tagal nyang sinagot yung tanong ko
at tumingin saken...
"ano ba meron sa kanya bakit naiinis ka rin?" ulit na tanong ko
"kasi beb...alam mo naman na dati pa ako dito sa St.Agnes, since grade one pa ako dito, at naging mag best friends kami nun, napakapopular nya kasi yung mga magulang nya ang may ari dito sa school na ito, nung una akala ko napakaswerte ko sa kanya dahil naging kaibigan ko siya, yun pala ginagamit lang pala nya ako, pagdating namen ng grade two nawalan ako ng kaibigan at sumali siya sa mga batang popular din kagaya nya...binubully nya ako, at kinalimutan ang pagkakaibigan namen na parang bula nalang....." kwento nya
"ahh tapos, ano nangyari sayo nun?" tanong ko, grabe napakasama pala nito ni Mary Anne sa Bestfriend ko, buti nalang naging kaibigan ko sya, magaling kasi ako makipagtanggol ng isang tao...helper ata to
"nung una kinalimutan ko na rin yung tungkol samen, hanggang sa tumuntong kami ng first year highschool, at doon nakilala kita syempre, naalala mo pa ba nung sinabi ko sayo nun na crush ko pa dati si Jm nun?" tuloy na pagkwento nya saken..
BINABASA MO ANG
Torpe siya at Manhid ako
Teen FictionIsang studyanteng matalino at masipag mag aral, and encounters heartbreak and pain, which makes her almost a man-hater, dahil dun naging manhid siya, then a man came into her life, and secretly became in love at first sight, will he make her heart b...