<Chapter Forty> - Kanino nga ba?

22 0 0
                                    

Tiffany POV

kinabukasan...

"talaga, Tiffany nagkita ulit kayo?" 

paulet ulet din itong si beb eh "oo nga"

"mag kwento ka naman, so, anong nangyari?"

"nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga nakaraan na nangyari samen, tapos kahapon sundate kasama yung family nila at sakin.."pagsagot ko sa tanong niya

alam kasi ni beb na kababata ko si Jeremy, nakwento ko rin sa kanya yung mga nakaraan samin, kaya nangungulit siya saken ngayon, kwinento ko pa nga sa kanya yung pagbabago ng "physical features" niya, at yun nga, matangkad, gwapo at makulit paren...

di ko na nga ginising si Jeremy kanina, sabi niya kasi saken, siya na daw maghahatid saken sa school bukas, eh mukhang napasarap yung pagkakatulog niya kaya di ko na ginising, pinasabi ko nalang kay Tita na malalate na ko pag hinatid pa niya sa school

"yiee, e di gwapong gwapo ka naman kay Jeremy.."sinisiko siko pa ko ni beb

sasagot palang sana ako ng may narinig ako sa boses na kilala ko..

"sinong Jeremy ba yan ha?!" 

unti unti kong lumingon sa narinig kong boses...at yun na nga, dalawang lalaki papalapit samin na mukhang masama ang timpla ngayon

patay na ko huhu, di ko pala nababanggit sa kanya tungkol sa kababata ko..

"hala Tiffany..."binanta pa ko ni beb, eh siya nga tong nangungulit saken kanina pa tungkol kay Jeremy

"ikaw rin hon, sino? Jeremy? nanlalaki ka na ba ha? bakit dahil nananawa ka na sa mukha ko? mas gwapo ba siya saken? mas maappeal?.."nag aalalang na may halong galit na tanong ni Jm kay beb, na ikinatawa ko, grabe maka tanong tong si Jm, lahat ng physical aspects binanggit

nagpoker face lang si beb sa kanya "alam mo naman na ikaw parin ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng universe.."may pagkasarcastic pang sinabi ni beb kay Jm

"di, sige ganyanan, tapos pag may binabanggit akong ibang babae nagagalit ka pa saken.." hala nag tampo pa si Jm, hihi cute nilang tingnan

biglang niyakap sa likod ni Jm si Pat, na ikinagulat naman ni Jm " sorry na hon, kababata yun ni Tiffany at hindi ako..okay hon..kaya wag ka na magtampo dyan.."

"sure?" 

"sure na sure, tanong mo pa kay Tiffany"

magtatanong palang si Jm saken ng bigla ko ng siyang sinagot "Oo. kababata ko si Jeremy at hindi po yung girlfriend mo, kaya wag ka na mag dalawang isip pa, at magbati na kayo"

pagkatapos ng "LQ session" ng dalawang maglove birds dito, biglang nagsalita si Miguel saken

"Tiffany, mag usap nga tayo." cold na pagkakasabi niya

Torpe siya at Manhid akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon