She's A Dream 4

46 7 2
                                    

Chapter 4:

[Rhon Kyper's POV]

"Kyper may bisita ka" tawag sakin ni yaya Gema

kasalukuyan akong nagbabalot ng mga gamit ko sa kwarto, lilipat kasi kami sa probinsiya nila Yaya Gema.

isang linggo na ang nakakalipas ng mamatay sila mama at papa

at ang kumpanya? biglang nawala, kinamkam ng business partners nila. ano naman daw ang alam ko sabi nila. wala kong alam sa pagpapatakbo ng kumpanya dahil isa lang akong hamak na highschool student.

at itong bahay, ibinenta na para may magamit kaming pera sa pag aaral

"tol!" bati sakin ng tropa ko

"oh bakit andito kayo?" sabay upo sa sofa

"para kang others, syempre binibisita ka namin" Jerome

"tol aalis na ba talaga kayo?" Alvin

"sabi ko kasi sayo kaming tatlo na lang ang bibili nitong bahay niyo para dito pa rin kayo titira" Domz

"oo nga tol, may savings naman kami kaya okey lang yun" Jerome

"wag na mga tol, pero thank you pa rin ha, kasi hindi niyo ko iniwan"

"hi mga kuya, merienda muna kayo" si Missy na may hawak na merienda

"Missy ang cute mo talaga" Jerome

"hoy kapatid ko yan"

"hahaha gusto mong ibitin ka patiwarik ng kuya niyan" Alvin

"bayaw! wag kang masyadong highblood" Jerome

"tatamaan ka sakin Jerome... maiba nga ko, pwede niyo ba kong samahan sa school mga tol? kukunin ko yung mga school papers ko"

"sure.. tsaka magpaalam ka na rin kay NeyDhen" Domz

oo nga pala si Dhen..

ang tagal ko na rin siyang hindi nakakausap, huli na yata yung sa parking lot

"tol pano na nga pala kayo ni Dhen?" Alvin

"wala namang kami eh.."

"what i mean, yung kasalan... you know" Alvin

"*sigh* wala na siguro yun, malabo na... ayaw niya sakin noon.. ngayon pa kaya? na halos walang wala na ko ngayon"

"tss masyado mong dinadown yung sarili mo tol" Domz

"siguro hindi talaga kayo para sa isa't isa, marami pa naman diyang iba" Jerome

"anong oras ba tayo pupunta?" Alvin

"ngayon na lang mga tol, para makatulong pa ko dito sa pag iimpake ng mga gamit"

"tara lets!" sabay sabay nilang sabi tsaka nagtayuan na at lumabas ng bahay

sumakay kami sa van nila Domz, yun din kasi yung ginamit nila papunta sa bahay..

nagkwentuhan pa kami sa loob ng sasakyan, asaran.. kulitan.. mamimiss ko tong mga to, kahit minsan kulang kulang sila at puro kalokohan

"andito na po tayo" sabi ng driver nila Domz

"teka teka.. RK pano pag nakita mo si Dhen sa loob?" awat sakin ni Jerome, palabas na kasi ako ng sasakyan

"bahala na tol" tsaka ako lumabas ng sasakyan

sa loob loob ko hindi ko talaga alam promise, hindi ko alam ang sasabihin ko. o kung may lakas ng loob ba kong harapin siya

She's A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon