She's A Dream 1

115 8 10
                                    

Chapter 1:

[Rhon's POV]

"lampayatot! lampayatot! hahaha"

sila ang mga bata dito sa subdivision namin. araw araw na lang silang ganyan sa akin, kaya nga kung minsan ayoko na lang lumabas ng bahay namin. nagkukulong na lang ako sa kwarto.

"Rhon-rhon payatot! Rhon-rhon payatot! iiyak na yan"

ako si Rhon Kyper Garcia. panganay na anak nila mommy at daddy, buntis kasi si mommy sa little sister ko. May ari kami ng company ng mga kotse. sabi ni daddy paglaki ko ako daw ang magpapatakbo nun someday, kaya kailangan ko daw matutong makisalamuha sa ibang tao.

"oh ano? iiyak ka na? magsusumbong ka na ba sa yaya mo ha?"

pero lagi naman akong binubully ng mga bata dito.

"tama na nga yan!"

biglang tumigil ang tawanan nila ng biglang may sumita sa kanila sa likuran ko.

"ikaw Jake tumahimik ka na nga, ang sakit sa tenga ng tawa mo"

"pero..!"

"what?! di ba pag sinabi ko sinabi ko? alis na nga kayo, shuu!" pagtataboy niya sa mga bully na bata

pag angat ko ng ulo ko..

O_O

isang batang babaeng mukhang barbie ang nakita ko.

maputi siya, brown ang buhok na curl, ang cute ng eyes para talaga siyang barbie

"s-salamat.." nahihiya kong sabi

"bakit ka ba nila inaaway?" tsaka siya biglang umupo sa swing na malapit lang sa amin

"ganun talaga sila, bully" sagot ko

"bakit hindi ka lumalaban?"

"hindi ko naman sila kaya.." sabay yuko ko

"ako nga pala si Dhen. ikaw? anong pangalan mo?" nagulat ako ng bigla niyang iabot ang kamay niya sa akin

"R-Rhon" sabay shakehands ko sa kanya

bigla siyang namula nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya. ang cute cute talaga niya, crush ko na siya ^_^

...

"at diyan nagsimula ang lahat" ako habang kumakain sa canteen ng campus. lunch break kasi at kasama ko ang tropa ko

"tol 5 years old ka pa lang nun, highschool ka na, wala ka bang balak magretire sa feelings mo kay Dhen?" si Alvin

ang adviser ng grupo

"tol wala ka bang kadala dala? ilang beses ka ng nirereject nung tao.. ang daming chicks sa mundo. move on" si Jerome na matinik sa chicks.

"kung anu anong tinuturo niyo diyan. kung anong gusto niya support na lang natin, malay niyo may chance." si Domz, ang supportive sa lahat.

at ako?

ako si Rhon Kyper Garcia.

3rd year highschool na ko pero in love pa rin sa kanya...

sino pa? eh di ang first love ko. si NeyDhen Gil. campus crush at maraming admirers.. sikat. kaya ako? boplaks syempre. ang forever busted ng barkada. pero konting push pa makukuha ko rin ang oo niya.

"pare pare si Dhen oh!" sabay siko sakin ni Domz

kahit naka school uniform lang siya ang ganda pa rin niya. maraming nagsasabing masungit siya, pero hindi naman yun totoo, pinagtanggol nga niya ko noon di ba? kaya nga naiinis ako sa mga tsismoso't tsismosa na sinisiraan siya. tss

She's A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon