She's A Dream 6

15 4 3
                                    

"i-ikaw si..."


wee?? hindi nga? baka kailangan ko ng magpasukat ng salamin. Pero para kasing si..


"excuse me ma'am, tumutulo na po yung laway niyo."


kinapa ko naman yung gilid ng bibig ko.. grr!! wala naman.. tsk tsk..


"magtititigan lang po ba tayo dito ma'am? o baka gusto niyo ng paandarin ko na tong eroplano?"


aba! at... at.. ang yabang! arrrrgghhh!! >___< naglakad ako pabalik sa upuan ko tsaka isinuot ang seatbelt ko. Mamaya ka, gaganti ako hmp!

....

1..


2..


3..


4 hours na kaming nasa himpapawid *yawn* -__- ang tagal naman!


Hindi pa rin maalis sa isip ko yung piloto ng sinasakyan ko. Kamukha siya nung classmate ko nung highschool.


Pero patpatin yun eh. *iling* imposible yun.. tapos aanga anga pa yun, and poor na siya. Yung guy na nakaharap ko mukhang yummy eh, pero masungit nga lang, opposite ni..


(author: sino ba yang iniisip mo?)


Author ko, remember mo pa si lampayatot? Yung guy na patay na patay sakin before.


(author: si Kyper?)


Exactly! Siya nga. I just forgot his name. Hindi naman kasi katanda tanda ang name niya, wew!


(author: bad -___- )


Nagsasabi lang ako ng totoo noh. Buti na lang talaga hindi natuloy yung arrange marriage thingy na yun, kung hindi, *sigh* end of the world na! shockz!


binuklat ko na lang yung magazine na nasa harap ko. Hmm kaya pala ang ganda ng cover *chuckles* ako pala yung model eh..


*buklat dito*


*buklat doon*


biglang may nalaglag na bookmark sa loob ng magazine.May picture ng airport kung saan ako sumakay at isang lalaking nakaputi, yung pang piloto na uniform. At sa likod niya eh isang eroplano.


Wow, pag nagkataon nga naman oo, itong piloto niya pala ang model ng airline nila. tsk'


Kung sa bagay, I admit mukha siyang hot model na nakacostume ng pang pilot.


Sino ba kasi siya? -___- nakucurious na ko huh'


Binasa ko yung lahat ng nakasulat, pamplet kasi siya na bookmark.


*read... read... read*


Ng biglang umalog yung sinasakyan kong eroplano.. Geez!! What was that??


Naglakad ako papunta sa walangyang pilotong yun..

"hey! ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?!"


siya naman, parang walang narinig at deadma lang ang beauty ko??? omygosh! ang sarap hambalusin ng dos por dos ang loko.. grr!!


"bahala ka nga diyan!" magwo-walk out na sana ako, kaya lang...


*boogggsshhh*


napahawak ako bigla sa sandalan ng upuan ng bigla nanamang tumagilid yung sinasakyan namin.


"Mayday! Mayday!" paulit ulit niyang sinasabi.


"anong nangyayari?" nagpapanic kong tanong.


parang pabulusok na gumagalaw ang sinasakyan namin.

"oh no! ayoko pang mamatay! wala ka talagang kwentang piloto! bakit isinama mo pa ko sa katangahan mo!"


"huminahon ka nga!" saway niya sakin.


*booom!*


"ano yun?" nanginginig kong tanong


"shit! sumabog yung kaliwang pakpak ng eroplano." siya habang busy sa kakapindot nung mga kung anu-anong nasa harap niya.


waaah! ito na ba ang ending ko? my gawd! hindi ko pa naranasang ikasal man lang, kukunin na ko ni Bro? kukunin na nga lang ako, dapat kasama pa tong kumag na to! sa dinami dami ng makakasama naman oh. pwede namang si lee min ho, o kaya si kim bum na lang mas okey pa, pero bakit ito pang hinayupak na mayabang na... grrr! itong lalaking to pa. -__- Pinaparusahan na ba ko sa kamalditahan ko, ehmerged.


"malapit na tayong bumagsak." sabay alis niya ng headset ng hindi niya makontak yung base.


"yun lang yun? babagsak na, tapos? wala ka man lang gagawin?? hindi ako pwedeng mamatay, gosh ang bata ko pa para ma-deads noh!"


"walang mamamatay, basta pagkabilang ko ng tatlo eh tumalon ka na." siya habang nagsusuot ng life vest.


"what?? ako tatalon? no way!"


"okey miss Gil, kung ayaw mo hindi kita pipilitin." walang reaksiyon niyang sagot, tsaka na nagpunta sa tabi ng pinto.


"ayoko pang mamatay!" paiyak kong sigaw.


"isuot mo to" sabay abot niya ng vest sakin.


eh?


"isusuot mo o isusuot mo??" seryoso niyang tanong... wait! -__- mas tunog utos yun kaysa tanong eh.


isinuot ko na lang, no choice. tapos bigla siyang nagbilang..


"1... 2... "


narinig kong may isa nanamang pagsabog na nangyari, atsaka na lang biglang naging madilim ang paningin ko.


(a/n: haya! ano na ang mangyayari sa bida natin?)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon