Feelings

16.3K 59 0
                                    

"The pieces all fit together. Yet everything was falling apart." -  Nicholas Sparks, The Last Song

---------------------

Cass'

Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Niyaya ako dito ni Kurt kasama ang isang batalyon niyang kaibigan. Pumayag na rin lang ako. Kailangan ko talaga ang bakasyong ito. Ang dami dami ko ng iniisip. Isa na dun ang set up namin ni Kurt. Haay.

Sa kotse pa lang, ang sweet na sa akin ni Kurt. Nanibago ako. And hello, kasama namin ang ibang kaibigan ni Kurt. Ayaw ko nga dba ng PDA! Hinayaan ko nalang siya kanina. Nga pala, si Jigs ang nagdrive kanina kaya nagkachance si Kurt na magpka-extra sweet and caring na fubu sa akin. Yes, fubu!

"Cass, kung may kailangan ka, anjan naman si Jigs at Stephen. Baka kasi kailanganin ako sa mga ginagawa ng barkada. Baka di kita maasikaso masyado." sabi niya.

"Hey Cass, don't worry. Sagot ka namin ni Jigs." si Stephen na agad umakbay sa akin na nakangiti. Nakita ko namang napangiti sa amin si Kurt. Kaya pala sobrang sweet sa akin kanina. Pagdating na pala dito sa resort, hindi na niya ako mapapansin. Tss.

Umalis na rin agad si Kurt. Naghahanda na kasi sila para sa dinner mamaya. Ako, feeling prinsesa lang. Ayaw kasi ni Kurt na may gawin ako. Mag-enjoy lang ako kasama sina Stephen at Jigs. True to their words, hindi nga ako iniwan ng dalawa. Kung ano gusto kong gawin, ginagawa rin nila.

Nung gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan, sinamahan nila ako. Nung gusto ko namang maligo, sinamahan rin nila ako. Di pa ako nakaligtas sa kanilang oh so macho dance habang naliligo kami. Grabe ang tawa ko dun.

"Ahm Cass, puntahan ko muna sila dun. Kayo na muna magbonding ni Stephen. Next time na tayo." si Jigs, sabi niyang nakatawa habang lumalayo. Paano pa ako hihindi eh tumakbo na siya palayo sa amin ni Stephen.

Nung mawala na sa aming paningin si Jigs, nabigla ako sa sinabi ni Stephen.

"Ano na Cass? Nadevelop ka na ba kay Kurt? Kasi kung oo, didistansya na ako sayo." sabi niya sa akin mata sa mata.

ANO?! Wait. What does he mean? Anong didistansya ang pinagsasabi niya?

"Ha? Ah..ano.. Hindi. Magkaibigan lang kami ni Kurt, Stephen. Ano ka ba?! Haha" ang hilaw naman ng tawa kong yun. Di ko naman kasi inaasahan ang tanong niya.

Naging malapit nga kami ni Stephen these past few days. Kada punta ko kina Kurt, nandun ang barkada siyempre kasama si Stephen. Aside from Kurt, nakakausap ko rin si Jigs at Stephen pero mas malapit kay Stephen. Minsan nga ang harot na naming dalawa pero wala naman akong malisya dun kasi nga barkada kami. Maski nga kami ni Jigs, ganyan din.

So, what on earth ang reason kung bakit nasabi sa akin ni Stephen na didistansya na siya. Wala na talaga akong maintindihan.

Marami na din kami napag-usapan ni Stephen after nang confrontation na yun. Hindi na rin niya nabrought up ang topic. Na-awkward kasi ako at feeling ko naman na naramdaman niya yun. Bumalik na agad kami sa mga barkada niya. Tinawag na rin kami. Dinner is served na daw.

Nung kainan na, todo asikaso sa akin si Kurt. Tss. Bahala siya dyan. Kinakain ko rin naman lahat ng nilagay niya sa plate ko. Aside sa gutom na ako, gutom lang talaga ko. Hehe. Gets niyo?

After naming kumain, ayun, hindi na natapos ang inuman, pero ako, pass muna. Di naman ako sa hayok sa alak. Sumasabay lang ako sa kanila.

Kami ang magkatabi ni Kurt. Ang lagay eh parang putol na circle ang posisyon naman lahat.

"Hoy Kurt pare, huwag mo na yan pakawalan. Hindi ka na makakahanap ng tulad niya." isang kasamahan ang sinigawan si Kurt. That guy meant me. Sa aming dalawa ni Kurt kasi siya nakatingin.

"Oo nga pare." ganting sigaw ni Kurt. Feel ko nagblush ako sa sagot ni Kurt.

Tiningnan naman ako ni Kurt. "Cass. may sasabihin ako."

"Ano yun?" tinitignan ko lang siya. Binalik naman niya ang tingin sa akin. So parang nagtitigan na kami.

"Kapag magkasama tayo, girlfriend talaga ang tingin ko sayo eh. Gusto ko laging hawak ang kamay mo parang ganito." saka niya inabot ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. "Gusto ko lagi kitang kasama. Gusto ko lagi kitang nakikita." habang sinasabi niya lahat yun, pahigpit ng pahigpit naman ang paghawak niya sa kamay ko.

"Haha. Kasi naman Kurt huwag mo ifeel masyado." tumatawa kong sabi "Totoo naman kasi ang sinasabi ko Cass eh." seryoso siya. Kita ko sa mga mata niya ang sincerity.

Napatigil naman ako sa pagtawa. Awkwaaaard! Shit! "Ah Kurt, maglakad-lakad muna ako."

"Samahan na kita, Cass." tatayo na sana siya nang pigilan ko siya.

"No Kurt. You stay here. Gusto ko muna mapag-isa." sabi ko sabay talikod. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dumiretso na ako sa may dalampasigan. Naglakad-lakad at nag-iisip.

Kanina, si Stephen. Ngayon naman, si Kurt. Ano ba?! Hindi ko na sila naiintindihan. Hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko. Why all of a sudden pinoproblema ko ito. Pinoproblema ko ang mga sinasabi nila. Eh pwede namang nagbibiro lang sila. Pero hindi eh. Iba ang nararamdaman ko.

Masaya ako kapag nakakasama ko si Stephen. I don't have dull moments with him. I admit, crush ko si Stephen. Pero parang may kulang eh. Walang spark.

Kay Kurt naman, excited ako palagi na makasama siya. Lumalakas ang tibok ng puso marinig ko lang ang pangalan niya. Siguro dahil sa fuck buddy ko siya kaya ko to nararamdaman kay Kurt. We always do wild sex kaya siguro lagi akong excited na makasama siya. That's it.

Sa ngayon, di ko pa alam ang gagawin ko. Marami pa rin akong tanong na hindi ko naman kayang sagutin mag-isa. Kailangan ko pang makiramdam sa mga darating na araw. Haay.

Hindi naman ako nagtagal at bumalik na rin sa mga kasamahan ko. Ayun, lumalaklak pa din. Nakisali na rin ako. Uminom ako ng konti baka mahimasmasan ako sa mga nangyayari.

Naligo rin kami ni Kurt after nang inuman. At syempre pa, hindi namin pinalagpas ang sex on the beach.


My Fuck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon