FIRST LOVE NEVER DIES.
TOTOO NGA BA ITO?
PERO PAANO ANG TAONG NAKATAKDA PARA SAYO?
MAGIGING UNFAIR NGA BA ITO PARA SA KANYA?
----"Ooopppppsssss. Baby, wag ka masyadong malikot. Dahan-dahan lang. Baka magkasugat ka sa paglalaro."
"Ayy! Babbbyyyy!." patakbong lumalapit sa akin si Mommy. At binuhat nya ako. Umupo kami sa isang upuan malapit sa palaruan. At ginamot ako ni Mommy.
"Baby, sabi ko sayo, wag kang tatakbo di ba?" sabi ni Mommy.
"Opo. Nag-ingat naman po ako sa pagtakbo."sabi ko naman.
"Nag-ingat? Bakit nagkasugat ka?" tanong naman ni Mommy.
"Nadapa lang naman po ako. Yung bato po kasi. Hindi ko na bati yun." sagot ko.
"Ikaw talaga. Naku anak! Nanisi ka pa talaga." sambit ni Mommy.
Yan ang paulit-ulit na kinukwento ni Mommy sakin. Kahit na tandang-tanda ko pa yun. Hindi ko pinipigilan si Mommy sa pagkukwento. Habang pinag-uusapan namin yun, wala kaming ginawa kundi tumawa dahil bata palang daw ako, madami ng rason at napaka kulit.
Hindi ko malilimutan ang palaruan na yun, na syang kinalakihan ko na. At doon ko nakita ang picture ng First Love ko.
Paano ako nagkaroon ng picture nya?
Nung time na nadapa at nagkasugat ako. Dinala muna ako ni Mommy sa upuan. Iniwan nya muna ako saglit, para bumili sya ng gamot sa malapit na tindahan, abot-tanaw lang namin yun. And then, while i'm waiting for her, may nakita akong picture sa upuan ko. Kinuha ko yun at tinago. At kinalimutan ko na hanggang sa paglaki ko.
Ako si Chloe Nicole Santibañez. Hindi si Senyora Santibañez ang Mama ko, kundi si Mrs. Carla Santibañez. ლ('◉❥◉`ლ)
---