HANGGANG FANTASY NGA LANG BA ANG HAPPY ENDING?
WALA NGA BANG FOREVER SA REALITY?
PWEDE BANG DALHIN ANG FANTASY SA REALITY?
----Tumagal ang relasyon namin ni Harold. 1 week na nga ang nakalilipas ng maikasal kami.
Pagpasok ko sa kwarto. Nakita ko syang nakaupo sa kama. Pumunta ako sa harap nya at sinabing "I love you" sabi ko, pero hindi ako nakakuha ng response.
Nagtataka ako. Bakit ang tahimik nya ngayon. Kakaiba ang katahimikan ngayon. May iba. I feel it. Anong meron. Kinakabahan ako. Nanatili akong nakatayo.
Bakit sya nakatitig sa akin? Para akong matutunaw sa mga titig nya. Anong meron sa mukha ko? May dumi ba?
Teka ! Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngayon. May gusto syang sabihin. Alam ko. Kaya umupo na ako sa tabi nya.
"Harold. Bakit? Hindi ako mapalagay. Magsalita ka." sabi ko.
"Sino ang lalaki sa picture na nasa wallet mo.?" seryosong tanong nya.
"He's my first love." sagot ko naman at kinuwento ko sa kanya kung bakit meron akong picture ng first love ko.
Ngumiti sya sa akin at sumagot ng "Nawala ko ang picture na yan when I was 10 years old."