Chapter 2: President

77 1 0
                                    

•President•

Krisha's Point Of View

Nakatulala ako ngayon sa kisame ng kuwarto ko. Kakagising ko lang naman. Kaya medyo inaantok pa ako. Naalala ko pa kasi yung kahapon. Sobrang nakakahiya.

Tumayo na ako at pumunta sa CR ng kuwarto para magmumog at maghilamos.

Bumaba na ako at natagpuan sa ibaba si Mama na inaayos ang mga pagkain para sa breakfast. Maaga pa naman kaya nanuod muna ako nang TV. Medyo nagtagal ako sa panonood ng TV kaya napansin ko na malapit na akong malate.

"Ma, Hindi niyo sinabing puwede nang kumain malapit na tuloy akong malate." Sabi ko habang kinakamot ang ulo.

"Ayy naku anak, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo iyun." Aniya Mama na habang naghuhugas ng mga ginamit sa pagluto ng umagahan.

Hindi na ako sumagot kay mama dumiretso na ako sa pagupo at pagsandok ng kanin at ulam at sabay subo na rin.

"Mam.. auko n.. p.." Nagkakada talsikan na ang mga nasa bibig. Punong puno kasi ito kaya Hindi maintindihan ni mama ang sinasabi ko.

"Huh?" Aniya Mama.

Nginuya ko muna nang maayos ang nasa bibig ko. Medyo nabulunan na rin ako roon.

"Ang sabi ko po ay ayoko na po. Malelate na rin po kasi ako." Pagsasalita ko nang maayos.

Nakita ko naman si Kuya Mark napababa na papunta dito sa kusina.

"Halika na dito Mark ubusin mo yung tira nang kapatid kong bunso kagag kulang sa'yo iyan kumuha ka nalang ulit." Biglang salita ni mama. Maselan pa naman si Kuya Mark tiyak Hindi papayag iyun.

"Ma alis na ako." Mabilis kong sinukbit ang bag ko sa likod ko ayoko na kasi ng marinig ang sagot ni Kuya Mark tiyak ipapaubos niya sa akin iyun. Lumabas na din ako. Nagantay na rin ng taxi.

May dumaan na taxi at pinara ko ito kaya nakasakay na ako.

"Kuya sa EU po."

"Anong EU Iha?" Tanong ni Manong sa akin.

"Ay... sorry po sa Eastwood po."

Pinaandar na ni Manong ang sasakyan. Medyo naging mabilis naman na ang biyahe. Mabilis magpaandar si Manong ngunit may pagiingat.

"Hanggang dito na lang Iha bawal na ata ipasok ito sa loob."

"Okay lang po ito na po ang bayad and thank you na rin po." Binigay ko na ang bayad kay Manong. Bumaba na rin ako. Ibinaba naman ni Manong sa may tapat ng gate ng EU kaya pumasok na ako.

Bakit parang ang dai nang mga nagbabantay na ngayon sa gate.

"Sorry Miss bawal na ho." Pagpipigil ni Kuya sa pagpasok ko sa loob ng EU.

Anong ibig sabihin ni Kuya? At anong bawal? "Hindi kita maintindihan Kuya, anong bawal?"

Nakita ko naman ang pagpigil pa niya sa isang babae. Pinigilan rin siya sa pagpasok nang isang lalaki. Bakit ganito?

"Bawal na po pumasok." Sagot ni Kuya.

Anong bawal na pumasok e Hindi pa naman ako late. Tingnan niyo pa magseseven o clock pa lang e simula nga ng first subject namin seven thirty.

"At sinong may sabi Kuya?"

"Me, may angal ka." Bigla naman sabat nang lalaking nakaitim.

Tinignan ko nang maayos ang mukha niya para kasing pamilyar mukha niya e parang nakita ko na siya.

"Parang namumukaan kita." Ani ko habang dinuduro-duro siya.

BADBOY: HIS FIRST LOVE (On-hold)Where stories live. Discover now