Before the Game

7 0 0
                                    

CHAPTER 21

________________________________________________________________________________

JAMES POV

Days passed and today is the first game, araw araw before and after our classes ay nagpa practice ang team. Late na din ako nakakauwi dahil inaabot kami ng 9pm, well i can say na worth it naman ang pagod namin dahil lalong nahahasa ang skills ng team members.

It's 7:30 am and im here in the gym with Coach Alvin waiting for the others to come, we're talking about our strategies when the gym's door opened and walked in all of the team members.

"what the fvck took you so long?" inis na sabi ko habang masama ang tingin sa kanila

"dude chill we're only 5 minutes late" sagot nung kambal tuko

I just glared at them and told them to warm up hayyss sana talaga manood  si Almira miss ko na siya after nung diskusyunan namin hindi na kami nakapag usap at di rin nagkikita weird no nasa iisang bahay lang kami di pa kami makapag kitaan pano kasi pareho kaming busy, sa umaga lafi akong wala kailangan kasi maaga akong pumasok tapos sa gabi naman pag dating sa bahay ko tulog na siya.

Hindi ko na rin siya kinukulit na manood ng game dahil naisip kong mas marami siyang ginagawa kesa sakin pinag sasabay niya ang pag aaral at pag papatakbo ng mga negosyo na naiwan sa kanya. Dahil supportive ako iniintindi ko siya.

Tinignan ko naman ang mga mokong na ganadong ganado mag warm up palibhasa kasi mag papasikat sa mga fangirls nila kaya ganyan, nakita ko si Austin na kausap si Jhoana at may iniabot sa kanya teka kailan pa nag uusap ang dalawang to? lalapitan ko na sana sila nang makita nila akong dalawa at sabay na nag smirk sakin kinilabutan tuloy ako tapos umalis na din agad si Jhoana.

"what is she doing here?" sabi ko sa kapatid ko nang makalapit siya sakin

"oh she asked me last night kung meron pa ba akong extra ticket kasi may isasama daw siyang kaibigan"

"tapos?" 

"sabi ko sa kanya na pumunta siya dito para maibigay ko yung ticket"

Napatango na lang ako sa sinabi niya "ok bumalik kana sa pag warm up" sumaludo siya sakin at sinunod ang sinabi ko. Naalala ko nanaman tuloy si Almira ko oo KO talaga kasi akin lang siya kung patapos na kaya siya sa exams niya. Bumalik ang tingin ko sa mga ka teammates kong maiingay tinutukso nila ang isa't isa may ilan din kasi kaming teammates na may girlfriend na kaya ayun magpapasikat daw sila. Buti pa sila may pag papasikatan samantala ako~ oopps don't go there alam ko naman kung bakit hindi siya makakapunta.

At tsaka kung sakaling hindi siya busy ngayon for sure manonood yun kahit pa ayaw niya dahil hindi ko siya titigilan hanggang sa maka oo na lang siya.

Pero sana talaga makapunta siya mamaya isip ko at sumali na sa pag warm-up



ALMIRA POV

Finally tapos na ako sa exams at kahit paano nabawasan na mga gagawin ko habang naglalakad napansin kong maraming banners ang nasa paligid ngayon nga pala ang laro nila James  alala ko, sa sobrang busy ko hindi ko napansin na Friday nga pala ngayon kamusta na kaya yun? kabado kaya siya?.

Hindi na kami nagkikita dahil pareho kaming busy pero kahit ganun inaasikaso ko padin siya, every morning i wake up very early para ipagluto siya at si Jho ng breakfast syempre may practice sila dapat lang na may laman ang tyan niya para may energy siya, pag gabi na tutal maaga akong nakaka uwi pinagluluto ko na sila after nun pinalalagay ko na sa lamesa ang mga pagkain para pag dating nila kakain na lang sila at aakyat na ako pagkatapos kumain. Pero syempre hindi alam niJames yun ang alam niya yung mga katulong ang  may gawa nun.

Papasok na ako ng cafeteria nang makasalubong ko si Jho at sabay na kaming kumain

"kamusta exam?" tanong niya habang kumakain

"ayun kakatapos lang less stress na"

"so wala kanang gagawin after this?"

"wala na masyado"

"why masyado?"

"i still need to go to the office" sagot ko at tinignan niya akong na parang sinasabing what-the-hell-are-you-gonna-do-there kaya inikutan ko siya ng mata "i need to sign some papers and review the presentation for the meeting on Monday"

"you're such a dedicated president and student dear sister" oh the sarcasm is real talaga 

"problema mo?" 

"hindi ka talaga pupunta sa game para manood" malungkot na sabi niya 

Napa buntong hininga ako "sobrang busy talaga ako"

"well basta ako pupunta, so una na ako sis" sabi niya at tumayo na sumabay na ako sa kanya, papalabas na si Jho at papasok na sana ako sa study hall nang makasalubong namin ang kambal naming best friend.

"hey bhesties" bati nilang dalawa at binati ko naman sila pabalik 

"so tara na" napatingin ako sa sinabi ni Jean 

"saan kayo?" tanong ko at napatingin sakin si Cess

"manonood kami ng game syempre" 

"hindi ka pupunta?" tanong ni Jean umiling naman ako bilang sagot "why?" dagdag pa niya

"office work" si Jho na sumagot para sakin at napa aww naman sila 

Umalis na sila at papasok na ako ng library ewan ko pero nalungkot ako nung umalis na sila, napatingin ako sa paligid at lahat sila excited para mamaya nag install kasi nang malaking screen and projector sa campus grounds para sa mga estudyanteng gustong manood pero hindi makakapunta sa arena. Kanya kanya na sila ng pwesto kahit 12:45 pa lang ng hapon at 4:30 ang start ng game, halos karamihan may bitbit na payong at pamaypay yung iba naman nagpapa tugtog sa speaker na dala nila habang naghahantay. Nag stay lang ako saglit sa library at umalis na papuntang office.

Diretso trabaho agad ako pagkadating sobrang daming pipirmahan, habang pumipirma bigla na lang sumakit ulo ko pinindot ko agad ang intercom "Ms. Vinzon pls get me some paracetamol and a glass of water" sabi ko sa secretary, maya-maya pa ay binigay na sakin yung gamot nagpahinga muna ako pagkainom. Saglit lang din ako nag pahinga at tinuloy na ang mga gawain ko, namalayan ko na lang ang oras nang matapos ko nang pirmahan ang last document na hawak ko.

Tinawag ko si Ms. Vinzon at sinabing pwede na siya umuwi ng maaga tutal mabilis kong natapos mga gagawin ko, napa tingin ako sa relo habang nag aayos ng gamit 4:15 pwede pa akong humabol papunta sa arena kaya binilisan ko na ang pag aayos at umalis na hawak ang ticket na inabot sakin ni Jho bago sila umalis. Sana lang talaga wala masyadong traffic.

____________________________________________________________________________

A/N: it's been so long since I've updated I hope you'll like it 😊😊

DON'T FORGET TO VOTE. COMMENT & SHARE

I ❤ YOU ALL





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweet BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon