Dinner

143 2 0
                                    

CHAPTER 4

MIKE’S POV

Nakakabwisit talaga!! Aaarrgghhh… sirang-sira  ang araw ko dahil sa nangyari kanina , sila Cess at Jean nga ndi na ako nakausap dahil sa sama ng mood ko hindi din makalapit yung mga kaklase ko sakin dahil baka sa kanila ko maibunton yung inis ko. Nandito na ako ngayon sa bahay, nag-iisip kung paano ako makakaganti dun sa hinayupak na yun.

*ISIP*

*ISIP*

*ISIP*

AAARRRGGGHHH…. Wala akong maisip ano kaya weakness nun??..

Ay naku mamaya na nga lang ako mag-iisip, gagawa muna ako ng assignments para naman may magawa ako.

*BASA*

*BASA*

*SULAT*

*SULAT*

Thank God natapos na rin ako nakahiga na ako kaso bigla namang may kumatok “Mam Almira, andyan na po sila sir baba na daw po kayo para maka-kain na. ”

“O sige po ate susunod na ako” sabi ko naman tapos, tumayo na ako sa kama napatingin naman ako sa orasan ko 8:00 na pala hindi ko namalayan yung oras.

Bumaba na ako ng hagdanan, rinig ko na dito yung tawanan nila (^_^) ang sarap sa pakiramdam pag ganito lagi sa bahay. “hi mama at papa” sabi ko sabay kiss sa kanila.

“O siya, buti naman at nandito kana umupo ka dyan para makakain na tayo.” Sabi ni papa kaya ayun nagsimula na kaming kumaen.

*KAEN*

*KAEN*

“Ate kamusta pala araw mo?” sabay singit ni Jho, tinignan ko sya ng masama dahil sa sinabi nya, loka loka talaga to alam naman nya yung nangyari kanina gusto lang talaga nya na inisin ako. “Ok lang naman, bakit?” sabi ko habang nakangiti, nakikinig na rin kasi sila mama eh.

“Wala lang, para kasing wala ka sa mood kanina sa school eh”

“Bakit anak masama ba pakiramdam mo kanina, kung ganon wag kang pumasok bukas para mapatingin kita sa doctor.” Sabi ni mama, naku lagot ka talaga sakin mamaya kang babae ka! “mama it’s alright, im fine it’s just a headache” pagpapakalma ko kay mama. Tinignan ko naman si Jho ng, stop-it-or-else look tumango na lang sya habang nakangiti.

Nang patapos na kaming kumain biglang nagsalita si papa “Almira may plano kaba next week?”

“Wala po papa, bakit po?”

“Ok, isasama ka kasi namin sa dinner”

“Ok po papa, ano po bang meron sa dinner?”

“Ah, yun ba, magkikita kasi kami ng bestfriend ko, yung kine-kwento ko sainyo na kaibigan ko since elementary to college”

“Yes”

“Nawalan na kami ng communication pagtapos ng graduation, ilang years din yun. Tapos last week may nagpadala sakin ng sulat at nagpakilala na siya daw si Arthur kayan naman nakipag kita ako sa kanya nung araw nayun at nalaman ko nga na siya yung bestfriend ko, nag kamustahan kaming dalawa hanggang sa natanong nya kung may asawa at anak na ako sabi ko sa kanya meron na at siya din daw meron na”

“Tapos”

“Tapos napag desisyunan namin na ipakilala ang parehong pamilya namin sa isa’t-isa. Kaya ayun yun na”

“Ok papa, mama paano nga pala sila Maria?”

Sumagot naman si mama “hindi sila isasama kasi gabi na yon, kela manang ko sila iiwan” habang nakangiti

“Ok po. Mama, papa akyat na po ako maaga po kasi akong papasok bukas eh” sabi ko papatayo na lamesa “ako din po akyat na din” sabat naman ni Jho “Goodnight po sa inyo” sabay na sabi naming ni Jho.

Nang papasok na ako ng kwarto may sinabi si Jho “ate ano feeling ng mahalikan sa pisngi ng kaaway mo?” nagulat ako sa sinabi nya sasagutin ko na dapat sya kaso makasara na yung pinto nya.

Nakahiga na ako napaisip tuloy ako sa sinabi nya ate anong feeling ng mahalikan sa pisngi ng kaaway mo?. Wala naman akong naramdaman na kakaiba, meron ba dapat?

Aaarrrggghh… bwisit na lalaki yan naalala ko nanaman yung nangyare kanina. Lagot ka talaga sakin babawi ako, akala mo ikaw lang ha

Lintik lang ang walang ganti. Hehe :P

A/N: GUYS HELP ME! ANO BA ANG PWEDENG GANTI PARA SA ATING BADBOY?? COMMENT NYO NALANG SA BABA ANG MGA SUGGESTIONS NYO. J

XOXO

My Sweet BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon