Hospital part1

128 2 0
                                    

A/N: GUYS PASENSYA NA HINDI AKO NAKAPAG UPDATE KAHAPON. KAYA BABAWI AKO NGAYON :)

_______________________________________________________________________________

 

CHAPTER 8

 

 

JAMES POV

 

Nandito kami ni Jho sa waiting area halos mag da-dalawang oras na kami ditong naghihintay. ang tagal lumabas ng doctor dinala dinala sya sa operating room masyado daw kasing malalalim yung pagka-saksak at yung sa ulo nya masyadong nang nagdudugo. 

 

Si Jhoana hindi na mapakali tapos bigla syang tumingin sakin "James sino nanakit sa kanya?"

 

Napakamot ako ng ulo "yung PPG" sabi ko sabay tingin sa kanya nagulat naman ako sa reaksyon nya. Biglang namula yung mukha nya sa galit at ang katawan nya nanginginig na parang sasabog na sya.

 

Nakita ko na pilit nyang pinapakalma sarili nya "walang hiya talaga ang mga babaeng yon, gumising lang si ate humanda talaga sila sakin" sabi nya habang nakapikit.

 

Napatayo kami nang biglang bumukas yung pintuan ng O.R at lumabas yung doctor "sino yung kamag-anak ng pasyente dito?"

 

"ako po. Kamusta na po ate ko?"

 

"tatapatin na kita, nasa critical stage ang ate mo may tinamaan na organ sa kanya at dahil doon nagkaroon sya ng internal bleeding, hindi din nakatulong yung malaking sugat sa may ulo nya mukhang masyadong napalakas ang untog nya kaya ayaw tumigil ng pagdudugo. Kaya naman kailangan namin ng blood transfusion maraming dugo ang nawala sa kanya." ramdam ko ang panghihina nya muntik na syang bumagsak buti nalang nasalo ko sya

 

Tinignan ko yung doctor "ano pong pwedeng gawin?"

 

"tulad nga ng sabi ko kailangan namin ng dugo. AB+ ang blood type nya"

 

"ako po, parehas kami ng blood type ni ate" biglang sabi ni Jho, kaya napatingin sa kanya yung doctor

 

"sige sumama ka sakin, para ma test ka kung pwede kang mag bigay ng dugo" sabi nung doctor

 

"James dito ka muna ha" tumango na lang ako, sinundan ko sya ng tingin habang papaalis sila

 

Makalipas ang tatlong 30 mins dumating na si Jho na ang putla ng mukha dahil sa pag-bigay ng dugo. Nang makaupo sya sa tabi ko binigyan ko sya ng dala kong chocolates para naman makabawi sya ng lakas kahit paano.

 

Makalipas ulit ang 30 mins lumabas na yung doctor "sucessful naman ang ginawa naming procedure sa kanya pero, hindi pa sya stable kailangan pa namin syang i-monitor, pag stable na sya pwede na syang ilipat sa private room, pero sa ngayon sa ICU muna sya at eto nga pala malaki din ang chance na hindi sya magigising sa mga dadating na araw dahil sa pagkalakas ng tama nya sa ulo." tapos napatingin sya kay Jho "wala ka bang kasama na mas matanda o yung magulang?"

My Sweet BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon