-x-x-x-
Chapter 5.2 > Resort
[Nicole's POV]
"Arrggh! Bakit mo ginawa yun? Walang hiya ka!"
"Ambaho mo na kasi kaya bagay yan sayo!"
Paano ba naman ako hindi magagalit dito? Tinulak ako ni Clyde at napunta ako sa swimming pool. Buti na lang hindi masyadong malalim!
Walangya! Ano ba ang napasok sa isip niya at ginawa niya yun aber?
"Anong mabaho ang sinasabi mo? Baka ikaw yun! Itulak kita dito eh!" Hihilain ko na sana ang paa niya kaya lang tumakbo na lang siya palabas ng swimming pool.
Ano to? Gusto niyang maglaro ng habul-habulan? Pwes! Hindi ako magpapatalo sa kanya!
Umalis na ako sa pool kahit basang basa na ako. At hinabol ang kumag na yun!
"Hoy! Bumalik ka dito! Duwag mo! Natatakot sa mga babae! Bakla!" Sunod sunod na sabi ko sa kanya habang hinahabol siya.
Pagkatapos kong sabihin yung habang habol habol ko siya, bigla iyang napatigil sa pagtatakbo pati narin ako.
Lumapit siya ng kaunti sakin na parang namangha siya sa sinabi ko kanina.
"Anong sabi mo? Pakiulit nga?"
"Sabi ko bakla ka!" Aba! Hindi ako matatakot sa kanya! Hindi niya ako madadala sa mga ganyan ganyanan niya noh!
"Hahaha!" Laughing sarcistically. "Ako? Bakla? Paano mo naman nasabi? Gusto mo patunayan ko sayong hindi?"
Mas lalo pa siyang lumapit sakin at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Bakla pala ha?" sabi niya ulit.
Napalunok ako sa sinabi. Hindi ako makagalaw. Hoy paa! Makipag-cooperate ka nga kahit ngayon lang!
Palapit na ng palapit nang..
"Clyde! My Bro! Is that you?" Out of nowhere na may nagsabi.
Bigla ata siyang nagulat nang may tumawag sa kanya kaya hindi na niya tinuloy yung gagawin niya. Ha? May gagawin pa ba siya? Ano ba tong naiisip ko. >_<
"Gray? Is that you?" Hala! Istatchu na lang sabihin niyo!
"I thought you were in States Bro!" Sabi ulit ni Clyde. Okay. Sino bang may tissue diyan? Pahingi nga. Dumudugo na ata ang ilong ko.
"Dumaan lang ako dito sa Resort namin Bro! Namimiss ko narin ang simoy ng hangin dito eh." Hay salamat. Mukhang nabasa niya ang isip ko at sumunod naman.
"Ganun ba Bro? Teka, Nandito rin ba si Tita Jam? Kasama mo ba siya?"
"Nandoon lang sa mga costumers niya. Woah. What brings you here lady?" Tanong niya sa akin sabay killer smile. Kaya siguro bro ang tawagan nila kasi magkapatid sila? Pareho sila ng aura eh. >_<
"Anak lang yan ng bestfriend ng nanay ko." Iniwas niya lang si Clyde at tumingin ulit sakin.
"What's your name lady?" Ampupu! Di ako sanay tawaging lady. Mukha atang high class pakinggan.
"Hi, My name is Nicole. And you are?" Tanong ko habang aakmang magshe-shake hands sa kanya.
"I'm Graham. You can call me Gray for short. I'm Clyde's Cousin." At tinanggap naman niya ang kamay ko at nagshake hands kaming dalawa. Cousin lang pala. Akala ko kapatid.

BINABASA MO ANG
She's a Nature Lover
Romance(Temporarily On-Hold) Mahilig ako sa Nature. Nagiging masaya ako kapag nakikita yun. Inaalagaan ko ang Inang Kalikasan. Pero, Sino kaya ang mag-aalaga sakin? Malalaman ko ba yun kahit manhid ako? Abangan..