Chapter 1 > *BEEEP*

222 6 3
                                    

Dedicated to ForeverAloneAko. She's so mabait kasi. Ano ba ang pwede kong itawag sayo? x3

 Bawi na lang ako sa next chap xD

-x-x-x-

Chapter 1 > *BEEEP*

[Nicole's POV]

"Uie Bakla! Sama ka sakin bukas sa mall ha? May gusto kasi akong bilhin eh. Samahan mo naman ako?"

"Sige, ita-try ko kung papayag sina mama. Alam mo naman sila." sabi ko.

"Sus! Kung gusto mo ako pa ang magpapaalam sa kanila para sumama ka lang sakin gagawin ko."

Overprotective kasi ang mga magulang ko. Lalo na kapag gagala ako sa mall, kailangan may kasama talaga.

"Huwag kang mag-alala bakla, mapapayag ko rin sila. Sige, mauna na ako sayo Alicia ha? Ingat sa daan bakla!"

"Ingat ka rin Bakla!"

Siya si Alicia Garcia, bestfriend ko yan. Bakla lang talaga ang tawagan namin. Nakasanayan na kasi namin eh. Isa siyang matalik na kaibigan para sa akin. Kakaunti lang kasi ang mga kaibigan ko dahil mahiyain ako at hindi sanay na maki-halubilo sa ibang mga tao.

Wala kaming driver ngayon kaya ako na lang ang uuwi mag-isa. Kaka-fire lang kasi ng dati naming driver, Malapit na kasi niyang i-carnap yung sasakyan namin eh.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa bahay namin tutal hindi pa naman madilim kaya okay lang. Hindi kasi ako sanay mag-jeep, tapos mahirap pang maghanap ng taxi sa mga ganitong oras.

Ako nga pala si Nicole Marie Valdez. Yan ang full name ko.

Habang naglalakad ako, biglang nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko.

* Bzzzzt Bzzzzt *

Pagtingin ko sa cellphone ko, nagtext lang pala si mama. Everday naman nagte-text si mama sa akin. Halos kami na nga lang magka-textmate ni mama eh.

From: Mommy

Nasaan ka anak? Malapit nang mag-gabi.

Rereplyan ko na sana si mama nang...

* BEEEEEEEEEEEEEP *

Hindi ko pala namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada ng dahil sa busy akong tinitingnan ang cellphone ko.

Malapit na niya akong nasagasaan. Kapag nalaman ito ng mga magulang ko, siguradong grounded nanaman ako for a month.

"Hoy! Tumabi ka nga! Nagmamadali yung tao eh!"

"Pasensya na po kayo. Hindi ko po kasi namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada. Pasensya na po." sabi ko.

"Mabuti na lang at nakita kita bigla kaya napahinto ako. Sa susunod kasi, sa gilid ka ng kalsada maglakad. Akala mo naman kung sinong maganda." sabi ng lalaki.

Grabe! Ako na nga tong nanghihingi ng patawad. At sinabihan pa niya akong hindi ako maganda? Aba! Ang layo naman ata ng topic noh?

"Hooy! Hindi porket mahal yang sasakyan mo, pwede nang lumuhod lahat ng tao sayo! Kasalanan ko ba kung hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako? Pasalamat ka at hindi ako gaanong nagagalit sa isang tao!"

* BEEEEEEEEEEEEEP *

Mayroon na palang mga sasakyan na naghihintay na umandar ang sasakyan nung malapit nang makabangga sa akin. Hindi kasi gaanong kalaki ang kalsada dito para sa mga sasakyan.

She's a Nature LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon