2: Saving an angel

8 2 16
                                    

                           

 "Jean Lorraine Buendia" aka "JL"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 "Jean Lorraine Buendia" aka "JL"

------------------------

Three years ago

"Na-disappoint ako sa isang 'yon. Ang hina ng security." Iling ni RD.

"Tss. Ang yabang." Inis naman na bulong ni Mimi.

Sakay sila ng isang van at galing sa sikat na museyo sa Manila. Nakapagnakaw lang naman sila doon ng antique na banga na sinasabing nabubuhay pa noong 500 BCE. Nahukay ito noong nakaraang linggo lang at ipinakita na nila sa publiko. Nagkakahalaga ito ng mahigit 3 milyong piso. Kumpara sa mga dati nilang nanakaw, mababa pa ang presyo nito.

"Pwede natin 'yan ibenta ro'n sa baliw na kano para mas malaki makuha nating pera, itataas natin 'yung presyo." Singit naman ni Jas habang nagmamaneho. Nakatuon ang atensyon n'ya sa truck na nasa unahan nila.

"Ah oo! Si Dr. Henrich. Grabe pagka-obsess no'n sa mga antique. Sa tingin ko kakagat yon kahit na 10 milyon hingin natin eh." Tawa naman ni Bruce na nasa bandang likuran.

"Ako na bahala mag-email sa kanya mamaya." Si RD habang may kinakalikot sa cellphone nito.

"Just make sure na walang sabit 'yan ah. Baka mamaya may makakilala sa'tin. Lagot ka sakin!" Daldal naman ni Mimi sabay subo sa lollipop n'ya.

"'Wag mo 'ko sigawan. Alam ko ginagawa ko." Iritang tugon ng binata sa katabing dalagita.

Mimi just mimic what RD said earlier while she was making a face.

"Nye nye!" Asar pa n'ya at saka muling isinubo ang lollipop.

Naasar marahil ang binata kaya hinatak nito ang lollipop sa bibig ni Mimi at malayang itinapon sa bukas na bintana.

"Hayup ka! Lollipop ko 'yon!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Mimi sa van habang ipinupukol ang nakamamatay na tingin kay RD.

"Nye nye!" Ganti n'ya rito. Nginisian pa nito ang dalagita at saka isinaksak ang earpohone sa tenga.

"You two. Stop." Jade stared coldly at the two of them. It's like a magic word na nakapagpatigil sa kanila.

"What the?" 'Di naman makapaniwalang bulalas ni Jasline nang lumihis ng landas ang truck na nasa unahan nila. May iniwasan itong sasakyan pero dahil mabilis ang takbo ng truck at madulas ang kalsada, dumiretso ang truck sa bangin na alam nilang malalim.

"Bullshit! Magpapakamatay ba 'to?" Singhal na naman ng dalaga dahil ang iniwasan ng truck ay isa palang van at matulin ngunit diretso parin ang takbo. Konti na lang ang pagitan nila. Babangga na sila sa isa't isa. Pero dahil bihasa si Jasline. Nagawa n'yang iwasan ito nang walang kahirap-hirap.

"She's crazy." Bulong nito at kita n'ya sa rear view mirror na diretso itong bumangga sa malaking puno dahil hindi ito lumiko.

Napailing na lang si Jasline.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cattiva [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon