Chapter 6

17 0 0
                                    

So ayun. Nanligaw nga ba siya?? Parang hindi eh -.- Ilang linggo o araw lang ata eh naging kami na. Hindi naman ako ang nagdesisyon. Siya na nagdesisyon nun. Ewan ko dun. Ang bilis eh. Parang kidlat eh. Psh.

Officially on na kami. Well, okay naman pala. Masayang makasama ang isang tulad niya. Sweet, caring, gentleman.

I hope nga magtagal kami. Isang taon na rin akong single noh. Jusko di makahanap ng boylet hahahaha. De echos lang hahahaha.

~~~~

As time passes by, ayun staying strong naman kami noh. Kaso jusko si Koya bigla na lang hinawakan ang aking malambot na kamay. Hahaha. Totoo naman noh. Tas ito pa, sabi niya sa akin tumingin ako sa gilid tas tingin sa kanya. The eff hahalikan lang pala ako sa lips. PERO THE EFF SA LIPS YON!!! Pero ang waley na ng excuse na yon shet.

Ayun pucha one week nawala ang aking boypren dahil siya'y nagkaron ng dengue. Shungabels naman nung dengue. Tumapat pa mismo sa 1st monthsary namin. Ordinaryong araw lang tuloy yun. Kainis. Ilang araw akong miserable dahil wala siya. Okay ang OA ko syet. Hahahhaha. Eh wala mahal ko eh.

And ayun! Bumalik na rin ang aking minamahal na boypren. Pumayat siya gahd. Pero okay lang. He's still the same. He's still my boyfriend.

Alam niyo ba halos araw araw kaming nagkikita nitong boypren ko sa tapat ng school. Well, di lang naman kasi siya ang inaantay ko. Pati yung bestfriend kong pinaglihi ata sa bagal kumilos eh. May time pa nga na nale-late sila. Jusko naman dba?

~~~~

Awtsu. Recollection na nila. Psh. Nagdadrama na naman daw po ako oh. wahahahahah. Naalala ko tuloy yung time na kami yung may Recollection.

*flashback

Sinabihan ko kasi mga close ko na bigyan nila ako ng reco letter. Every year na naming tradition yun sa school na to. Since kaclose ko naman si Andrei, humingi ako ng reco letter sa kanya.

Kanina ko pa nga inaantay yun eh. Ang tagal niya huhu. Asan kaya siya?? Lalarga na aketch eh. Sayang byuti ko ditey. Hahhahahaha. Hangin ko syet xD.

Naku naman. Waley na aketch mapapala dito. Lalarga na talaga ako papunta sa classroom kasama si Jessa. Naka-maleta kasi kami. Wahahahaha. Bakit? Eh sa trip namin eh. Walang basagan trip pwede? Hahahaha. Agaw eksena tuloy kami. Hahaha.

Hanggang sa makaalis kami sa school walang nagpapakita jusko. Bahala na nga.

[Fast forward...]

Ayan nakauwi na kami. Kaso pucha. Ayaw ko pa umuwi. Buti nagyaya magbowling sila Ysabelle at Jessa. Libre naman nila kaya why not dba?

Napagsabihan nga ako nung dalawa na wag tumalon kasi nakikita yung tyan ko daw. Weird. Flat naman tyan ko noh. Sexy pa wahahahhaha. Joki joki lang xD.

Nang pagkauwi ko, pagbaba ko ng jeep, nagulat ako. Eh paano ba naman ako hindi magugulat eh pucha. Nakikita ko lang naman sa harap ko si Andrei. Anong ginagawa ng taong to dito ngayon? Ngayon lang umuwi?

"Uy. Bakit ka andito?"

"Ah ano. Pauwi na. Kaso nakita kita. Nakalimutan kong ibigay sayo yung reco letter eh."

"Oo nga. Asan ka pala nun? Hinahanap kita noh." wow naman ako. Parang hinihintay talaga?

"Naghihintay ako sayo sa labas. Akala ko nga hindi ka papasok eh."

"Ay ganun? Naku sorry. Agad kasi akong pumasok eh. Alam mo na. Naka maleta kasi."

"Ah ito nga pala. Yung reco letter."

"Salamat. Sige na, uwi ka na. Babye."

*end of flashback

Oh dba? Wahahahaha. Tangina. Dont tell me tadhana yun? xD hahahaha.

Tae. Stop na nga. Ito na lang para mas sweet.

*flashback

"Hala. Baka di ako pumasok bukas." sabi ko sa kanya through text.

"Ha? Bakit?"

"Wala lang trip ko lang. Hahahaha. Para namang umaabsent ako dba? xD"

"Oo nga. Pasok ka bukas para sa reco letter ko tsaka para makita man lang kita bago kami umalis. I love you."

Oh ano kayo dyan? Hahahaha. Kagabi niya lang tinext yan hahahaha. Di ko nga alam kung maganda ba itong reco letter ko eh. Eh kasi kung ano ano ginawa ko dito xD. Trip trip lang kumbaga. Hahaha pero joke lang. Mahal ko kaya yun.

Pumasok na ako para maibigay agad sa kanya yung reco letter at nag I love you naman siya na ikinagulat ko. Di ko kasi ineexpect yun. Tsaka perstym niya kaya akong sabihan ng ilabyou ng personal. Kaya ngiting tagumpay aketch eh. Landi ko huhu xD.

Hanggang sa makaalis sila, nakatingin lang ako sa kanya. Nakikinig naman ako, though paminsan minsan eh tumitingin dun. Baka pagalitan ako ng teacher namin eh. Mamimiss ko siya kahit dalawang araw lang siya mawawala.

~~~~

Alam niyo. Ni isang regalo, wala pa akong natatanggap sa boypren ko para sa monthsary namin. Ako puro letters and whatsoever ang regalo ko sa kanya. Siya ni-isa wala. Nakakapanlumo tuloy.

Bakit ba ni isang regalo wala kang ibinibigay sa akin? Mahal mo ba talaga ako? tanong ko sa sarili ko.....

HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon