Chapter 5

21 0 0
                                    

Nagkayayaan ang mga kaibigan ko na magpunta sa Glorietta. Naka-uniform pa nga kami eh. Tas itinanong na rin namin sila ex kung gusto nila sumama. So sumama naman daw sila.

Nag-ikot ikot lang kami hanggang sa nag-aya na kami ni Lea na umuwi. Pupunta pa kasi kami sa bahay ng punyeters niyang gerlpren.

So, kasabay namin umuwi si ex at si Koya. Dumiretso muna kami sa bahay ni ex na which is perstym ko magpunta dun. Wow, ang cute ng aso niya. Liit hahahaha. Baby pa kasi eh.

After nun umuwi na kami. Sinabi namin sa kanya yung balak namin. Balak pa nga kaming samahan eh. Nakasabay din namin sa paglalakad yung pinsan ni Koya. Gahd. Kahiya po.

Pag-kauwi eh binaba ko lang yung bag ko at nagpaalam sa aking mudrabels na may pupuntahan lang kami. Tas ayun. Larga na kami ni Lea sa bahay ng kanyang gf.

Gosh!! Di ko alam na mala-gubat pala ang bahay ng kanyang punyeters na gf. At good timing. Wala pa pala siya. So ano? Tambay muna kami sa bahay nila? mas gusto ko pa sa bahay namin eh.

Aww. Naalala ko si Andrei. Baka nag-aantay siya dun. Tas boom. Ayun nga nag antay pala siya. Gosh. Kahiya naman kay koya huhu.

~~~~

"Alam mo bang iba ang tingin sayo ni Andrei? Yung tingin na may gusto sayo." sabi ni Ysabelle.

"Weh di nga? Paano mo napansin?"

"The way tumingin kasi siya sayo eh. Ibang iba. Malalaman mo agad na may gusto siya sayo. Diba tumingin ka kaagad sa sa bintana nun? Naku kung alam mo lang. Nakatingin siya nun sayo."

"Hayy nako. Alam mo ba parang kras ko na siya. Ang bait kasi niya tsaka gentleman pa."

"Dba may gusto si Lea sa kanya?"

"Oo. Niligawan na niya si Lea nun. Kaso na reject siya eh."

"Ahh. Pero, ingat ka ha."

"Oo naman noh." nasa bahay kami nyan lols. Ingay namin. Baka marinig kami ni Mudrabels. Gahd. Lagot ako sa kanya pag nalaman niya. Hahahhaha.

~~~~

"Goodmorning." ganda bungad. Nagtext agad si koya.

"Goodmorning din"

"Nagbreakfast ka na?"

"Hindi pa. Kakagising ko lang."

"Tara, labas ka. Bilhan kita." wow. anong masamang hangin ang sumapi kay Koya? O.o Ngayon lang nanlibre yan ha.

So ayun nga lumabas ako. Nilibre niya ako tas nag-usap lang kami. Tas ayun naalala kong aalis nga pala ako. Sasamahan ko ang gaga kong mga bestfriend magpaheat press.

Tinanong ko na siya kung gusto niya sumama. Tas ayun walang pag-aalinlangan na sumagot si Koya. Wow lang ha. Ang bilis niya.

Ayun sumama siya. Inoffer niya yung isang earphone niya. Nakikinig kasi siya habang nasa jeep. Ako naman po si gaga at tinanggap. May isang kanta siyang pinatugtog at kung may naaalala daw ba ako. So sabi ko hhmm meron? di pa nga sure dba? Ex ko raw ba eh naaalala ko. Yun iisipin ko? Yuckers ha.

Naghanap agad kami ng nagpapaheat press para maheat press na ang eco bags nila. Kami ni Koya eh nasa labas lang. So ayun nilabas na naman niya ang mahiwaga niyang earphone at cellphone. Inoffer niya ulit sa akin yun at nakatulog ako habang nakikinig.

Nakaramdam ako ng hangin na dumadampi sa pisngi ko. Mukhang pinapaypayan ako ni koya. Ay anubeyen hahahaha. Gumising ako at nagpaalam naman siyang bababa lang siya. Akala ko naman kung ano binili niya. Pucha bumili siya ng pamaypay tas pinaypayan ako. Aww ang sweet.

After namin dun, dumiretcho kami ng Robinson at CNA. Aww, sumama pa rin siya sa amin. Hanggang sa umuwi na nga kami.

"Wag mong isipin na ako yung ex mo dahil lang nililibre kita ng pamasahe." wow. Na-offend ako dun swear. Kahit hindi yan ang exact words na sinabi niya. Yan ang pagkakaintindi ko. Shet. Hindi na ako nakapag-salita after nun. Sakit eh. Mukha bang yun ang iniisip ko? Eh tangina pala siya eh. Sana hindi na lang siya nag offer na manlilibre. Gago pala siya eh. Kaya kong magbayad ng pamasahe. Di ako mahirap.

Natulog na lang ako sa jeep. Maya maya na irita ako. Kasi nag vibrate yung cellphone ko. Nagulat ako ng si Koya ang nagtext. tae ha. Magkatabi na lang kami nagtext pa siya.

"Sam, may sasabihin ako. Wag ka sana magalit." dahil sa mabait ako di ako namilosopo. Sinagot ko na lang siya ng ano yun.

"Crush kasi kita eh." so? Yun lang pala eh. Pero teka nga. Crush niya aketch. Oh gash. The feeling is mutual Koya.

"Wag ka sanang lumayo." di ako lalayo shunga. Nagka crush lang lalayo na? Di ako tulad ng iba noh. Magpapakasweet muna aketch hahahaha.

"Bakit naman ako lalayo kung crush din kita?" sweet na ba? wahahhahahahah.

"Talaga?" Hindi koya. Joke lang yun. Joke lang yun. -.- takte.

So ayun. Medyo awkward. Hanggang sa bumaba na ako, este kami pala. Ayun pucha bilis ni Koya. Nanligaw agad.

Ikaw na kuya. Ikaw na. Paano na nga ba ako nito? Psh. Bahala na nga.

HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon