Chapter 8

19 0 0
                                    

He really did change..

Nang dumaan ang birthday ko, may regalo siyang bracelet na which is hindi ko sinusuot. Bakit? Simple lang. Ayaw kong masira o madumihan yun. Nung minsan ngang makita niya sa bag ko yun, sinuot niya sa akin eh. Tapos nagtampo. Inexplain ko naman sa kanya kaya ayun.

Alam mo yung feeling na gustong gusto mo siyang makasabay kaso minsan talaga eh mukhang ayaw ka niya kasabay. Nagpapa-late, naghahanap ng rason. Napansin ko lang yun. May time nga nun na hinihintay namin siya. Pinapapuntahan ko nga siya dun sa kapatid ni Lei ann para itanong kung sasabay sa amin. Tumingin sa bintana na parang ayaw kami magkita pero nang tawagin siya, tangina, parang walang narinig at nakita kaya ayun lumayas sa bintana. Nakita kami ng kaklase niya, tinuro nga ata kami eh. Kaso wala. Di na nagpakita.

Isa lang yan sa nga pagbabagong nangyari. Bakit? Puro kasi GAGO ang mga kaibigan niya. I know them of course. Sa 10 years na pag stay ko sa school na ito, sinong hindi makakakilala sa mga playboy at gagong mga yun. I tried to find ways para lumayo siya, kaso di ko magawa. Its his happiness. I cannot just take away his happiness from him.

Andyan pa yung palagi niyang binabanggit sa akin na "tara sogo tayo" na which is I take it as a joke. Halos araw araw yun. Alam ko naman kasing nagbibiro lang siya.

Meron pa, akala kasi niya magandang biro iyon.

"Hi, may bf ka na?" nagulat ako sa inasal niya. Kaya nagreply ako. Kinukutuban na kasi ako eh.

"Ha? Bakit mo natanong?" yan yung reply ko sa text niya. Pinagpatuloy niya lang yan hanggang sa nag text siya.

"Break na tayo." nagulat talaga ako kaya napatext ako agad agad.

"Ha?? Gusto mo talaga makipagbreak?" chinallenge ko siya. Wala siyang karapatang ganyanin ako.

"Uy joke lang. Haha."

Akala kasi niya maganda biro. Pinalagpas ko yun. Pati yung madalang niyang pagtext at pagchat. Palagi ko pa ngang chinachat yun para lang makausap ko. Wala eh. Naging gago na. Sumama kasi sa mga gago kaya ayan ang napala.

Meron pa. Kung maaalala ko eh nagtanong siya sa akin.

"Anong gagawin mo pag may kinawayan ako at babae yun?" gago ba siya? Inis na inis talaga ako sa kanya to the point na hindi ko ipinahalata. What the eff!! Ang sagot ko na lang sa kanya eh di ko alam

Gago talaga dba?? Psh. Sarap niyang upakan.

May nakuha na naman akong regalo sa kanya. Isang techdeck. Cute naman yun. Binigay niya sa akin yun ng March 12. Sabi niya remembrance daw para di ko siya mamiss. Summer na kasi namin. Maaga ang end of school year namin. Okay lang naman sa akin yun kasi magkikita kami bukas para mag-gala kasama ang mga pinsan niya at si Lei ann.

~~~~

Nag gala kami sa Glorietta. Basta ayala kami dumayo. Malapit lang naman sa amin yun eh. Sobrang init nga ng umalis kami dun.

Naglaro kami sa timezone. Wala lang. Gusto lang namin. Naglaban kami ni Andrei at ng pinsan niya ng basketball dun. Hahaha. Tangina, dalawang lalaki pucha natalo ko pa. What the eff. Ayun picture kami ng picture after. Nakakapagod kaya magbasketball. Ang sakit sa braso.

Nang pauwi na kami, halu jusko. Sabi kasi nitong boypren ko eh, alam niya ang pauwi. Halos maligaw na nga yata kami noh. Hahaha. Pero enjoy naman hahaha.

Ngiting ngiti ako at sobrang saya ko nung araw na yun. Pero ang hindi ko alam eh, yun na pala ang last...

HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon