Fanfiction #3:

889 15 4
                                    

Late na naman ng halos 45 minutes sila Joori at Minha, mga bestfriends ko. Mula nung highschool magkakaibigan na kaming tatlo.

"Hani! " Sigaw nila habang papalapit sa akin. Dito sa park namin napag pasyahan na magkita. Lately kasi medyo busy na kami sa mga trabaho namin kaya wala na kaming oras para sa isa't isa.

"Kanina ka pa? " Pagtatanong sa akin ni Minha.

Tinignan ko muna sila ng masama "Ano sa tingin niyo? "

"Ang tagal kasi nitong si Minha eh" Paninisi ni Joori kay Minha.

Umupo sila sa upuan sa harap ko at nilapag yung mga dala dala nilang lunch box. Pagkain yun, for sure.

Tumawa naman si Minha "Ano ka ba! Sanay naman na si Hani na late tayo eh"

"Sabagay! " Tapos tumawa silang dalawa ng sabay at malakas. Nung highschool pa kami, ako yung palaging late sa amin. Ngayon naman na may mga trabaho na kami palagi akong maagang nakakarating sa napag usapang lugar tapos sila naman yung palaging late. Ngayon ata sila gumaganti sa akin.

Maya maya rin ay tumigil na sila sa pagtawa at nagsimulan ng buksan yung mga lunch box na dala nila. Mabuti naman, medyo mukha na kasi silang baliw kakatawa eh.

"Saan ba galing tong mga to? " Takoyaki yung nandun sa isang lunchbox na binuksan ni Minha, dun naman sa binuksan ni Joori ay Pasta.

"Kay Joon gu galing yan! Pinagluto ka niya. Sasama nga dapat siya samen ngayon dito kaso ang daming customer sa restaurant niyo eh" sabi ni Minha

Ang bait talaga ni Joongu. Mula nung highschool palang kami palagi na niya akong pinagluluto. Magaling siyang magluto pero syempre mas masarap magluto sa kanya si Seungjo my loves ko. Yum yum! Nagugutom na naman tuloy ako. Hays ang takaw ko talaga.

Ay isa pa pala, masaya akong walang nagbago sa amin ni Joongu kahit na dahil saken kaya nabroken hearted siya pero hindi yun naging hadlang para may magbago sa amin. Hanngang ngayong patuloy pa rin kaming naging matalik na magkaibigan at syempre masaya akong nahanap na rin niya yung babaeng para sa kanya.

"Hoy Hani! Psst! " Pag tawag sa akin ni Minha habang kinakaway kaway pa niya yung dalawang kamay niya sa mukha ko.

"Lutang ka na naman. Ano bang pinag iisip mo? " Tanong sa akin ulit ni Minha

Umiling naman ako "Wala. Nagugutom na kasi ako. Tara kain na tayo" tapos ay kumuha na rin ako ng kutsara para simulan na ang pagsubo ko ng pagkain.

"Oo tama kumain na tayo bago pa maubos lahat ni Joori tong mga pagkain. Ang takaw! "

Kanina pa kasi nauunang kumain sa amin si Joori eh.

"Nagutom kaya kasi ako sa biyahe natin"

"Psh! Matakaw ka naman talaga eh"

"Ewan ko sayo"

Nakangiti lang ako habang ngumunguya ng pagkain at pinapanood silang magtalo. Ang cute kasi ng mga kaibigan ko eh.

"Ek ek"

Napatigil sila sa pagtatalo at napatingin sa akin

"Hoy Hani, anong nangyayari sayo! " Natatarantang tanong sa akin nila

 Umubo ako at mabilis na uminom ng tubig. Pakiramdam ko kasi ay masusuka ako pero buti nalang hindi natuloy. 

"Okay ka lang?" sabay hagod ni Joori sa likod ko.

Playful Kiss (Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon