Fanfiction 4

1.1K 29 24
                                    

"Ano?! Nababaliw ka na ba Hani? Dapat sinabi mo na kay Seungjo na buntis ka" 

"Wag mo nga lakasan boses mo Minha. Hinaan mo lang baka may makarinig sayo atsaka hindi ka ba nakikinig sa kwento ko kanina? Sabi nga ni Seungjo hindi pa raw siya handa" 

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama si Minha. Wala si Joori kasi may trabaho siya. Kinwento ko kay Minha na hindi pa handa si Seungjo na magka baby kami kaya hindi ko pa sinabi sa kanya. Sinermunan naman niya ako.

"Kahit na! Paano kung may masamang mangyari sa inyo ng baby mo? atsaka anong dahilan niya para hindi siya maging handa sa baby niyo ha?"

"Ewan ko! Baka natatakot siyang magmana saken ng katalinuhan yung baby namin" Binatukan naman niya ako. Malakas kaya napahawak ako sa ulo ko. Alam niyang buntis ako tas kung batukan naman niya ko wagas.

"Ano ba! Masakit yun ah! "

"Tungak ka talaga Hani. Kung yang kahinaan nga ng utak mo tinanggap niya paano pa kaya yung magiging baby niyo? Mag isip ka nga!" 

"Yun na nga eh! Mahina na nga utak ko dadagdag pa yung magiging anak namin?"

"Blessing yan Hani. Blessing. Hindi naman sumpa ang pagiging bobo ha?"

Tumahimik naman ako. Hindi ko naman kasi alam kung ano bang dapat ko sabihin. Hindi naman sobrang matalino si Minha pero masasabi kong may sense yung sinasabi niya saken.

"Kawawa naman yung inaanak namin ni Joori" Oo nga pala! Usapan namin nung highschool pa lang na magiging ninang sila ng mga anak ko, ganun din ako sa mga anak nila ni Joori.

"Wag mo sasabihin kay Seungjo ah? Ako na magsasabi" Pagpapaalala ko sa kanya.

"Kelan mo naman balak sabihin? Ang abnormal din ng asawa mo eh no? Doctor siya pero hindi niya alam na buntis ka. Hindi ba niya nahahalata yung morning sickness, paglilihi at katakawan mo? Minsan napapaisip ako kung matalino ba talaga siya o ano eh"

Pinalo ko naman yung kamay niya "Hoy ano ka ba! Wag mo naman insultuhin yung asawa ko" Inirapan lang niya ako at nagpatuloy na sa pagkain niya.

Natapos ang isang oras naghiwalay na rin kami ni Minha may pupuntahan pa kasi siya. Ako naman pupunta pa ako sa hospital. May shift kasi ako ngayong araw na to eh.Pagdating ko sa hospital nakasalubong ko si Doktora. Yung Doktorang nagsabi saken na buntis ako.

"Hi Doctora"

Tumingin siya sa akin at ngumiti muna bago sumagot "Hello Hani. Ikaw pala yan akala ko ikaw yung nakita kong kasama ni Baek Seung jo kanina sa lobby. Kamusta ka na?"

"Po?Kakarating ko lang. Okay lang naman po ako"

"Ahh. Baka hindi nga ikaw yun. Nga pala, congratulations nga pala ulit sa baby niyo ni Doctor Baek" Mukhang sincere yung pagcongrats saken ni doctora. Minsan naisip ko kung isa ba siya sa mga babaeng patay na patay rin sa asawa ko. Pero imposible kasi tsismis saken ng kasama kong nurse may boyfriend na raw siya na isa sa mga sikat na bachelor ng university nila dati nung college.

Ngumiti muna ako bago sumagot "Salamat po. Ay Teka doktora, umm kasi po"

Tumingin naman siya sa akin ng diretso "Ano yun? May sasabihin ka bang importante?"

Tumango ako at kinagat yung labi ko hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wag muna niyang sasabihin kay Seungjo yung tungkol dun sa buntis ako eh. "Sige magsalita ka na. Makikinig ako"

Playful Kiss (Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon