MALAKAS na humikab si Ysabela nang maalimpungatan sa mahinang katok sa pinto. Halinhinan sila sa pagbabantay ng mga kapatid sa ospital kung saan nakaratay si Joy. Kakauwi lang niya kaninang alas-dos ng madaling araw kaya groggy ang dalaga. Magluluto pa siya ng dadalhing tanghalian at hapunan sa ospital. Magastos kasi kung sa kantina sila bibili ng makakain.
Mantakin ba namang beinte pesos ang isang nilagang itlog. Buti sana kung may palamang toblerone sa loob.
Pupungas-pungas na bumangon ang dalaga.
"Saglit!" sigaw niya sa makulit na bisita nang masundan ang mga katok. Kung si Yumi o Yvan 'yun, pihadong lumusot na ang mga 'yun sa maliit na siwang sa likod. Mabilis ang kilos na inalis niya ang nakapulupot na kadena sa tarangkahan at hinila iyon.
"Sino ba ang..."
Tumambad ang lalaking hindi niya inaasahang mabungaran nang umagang iyon.
Si David Ferrer!
"Good morning." Nakangiting bati nito, lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. His eyes were beaming as well. Pero na-sense niyang nagulat ito pagkakita sa kanya. Dahil ba sa ayos niya?
Teka. Sinipat niya ang sarili.
Pucha!
Namilog ang mga mata ni Ysabela saka marahas na isinara ang pinto. Punit-punit na duster ang suot niya. Halos lumabas na ang dibdib niya sa luwang niyon. Hindi pa naman siya nagsusuot ng bra kapag natutulog para presko sa pakiramdam.
Kulang na lang ay ipagdasal ng dalaga na lamunin siya ng burak at basura ng Tondo kaysa ang muling harapin ang bisita niya. At ano ang sadya ng mokong na iyon sa kanya? Paano nito nalamang sa Tondo siya nakatira eh wala namang siyang binanggit dito nang gabing nagtagpo sila sa gala affair.
"Ang bait mo talaga, Lord. Kailangan ba talagang harapin ko siyang nakabuyangyang ang boobs ko?" naiiyak sa hiyang usal niya.
Pinulot niya ang nakasampay na bra at dagling sinuot iyon. Mabilisan din ang ginawa niyang pagpalit ng maluwang na tee shirt at jersey shorts ni Yvan na karaniwang suot niyang pambahay. Wala na siyang pakialam sa sasabihin nito sa porma niya. Hindi n'ya naman ito inimbitahan para magpustura talaga siya, no?
"H-hi, pasensya ka na at may inayos lang ako saglit. Ikaw si David, 'di ba? Iyong lalaking tumulong sa akin noong nakaraang gabi?" kalmado niyang tanong nang muli itong pagbuksan. Hindi muna niya ito pinapasok. Aba, mahirap na. Uso ang rape ngayon. Pero teka, as if naman pagtatangkaan siya ng lalaking ito eh mukha siyang batang yagit sa ayos niya ngayon.
"Buti naman natatandaan mo pa ang pangalan ko."
Nagkamot siya ng ulo saka nag-isip ng madadahilan. "Ah, eh, madali namang matandaan ang pangalan mo. Parang David at Goliath. O Kara David..." sinundan niya iyon nang mahinang tawa.
"You're funny, Ysabela. I like you."
"Grabe, ang bilis mo naman. Gusto mo ako agad? Hindi man lang ako nakapagpaganda." Gusto niyang kagalitan ang sarili sa pagbitaw ng birong iyon upang pagaanin ang tensyong namumuo sa kanyang dibdib.
"Actually I like you looking just like that. Simple, walang arte at natural. Pero teka, hindi mo ba ako papapasukin? Nakakailang namang mag-usap tayo habang nakapalibot ang mga kapitbahay n'yo sa atin."
Sinipat niya ang likuran ni David at tumambad ang nakaumpok na nakikiusyosong kapitbahay. Prenteng-prente ang mga ito na animo'y nanunuod ng live show. Basta talaga tsismis ay mabilis pa sa alas-cuatro ang mga kapitbahay nilang ito.
"Pumasok ka na. Sorry at hindi pa ako nakakapaglinis. Kakauwi ko lang kasi." Akag niya at pinaunang pumasok si David.
Iminuwestra niya ang upuang kahoy na ginawa niyang higaan kanina. Inalis lamang niya ang unan na ginamit at itinabi iyon sa isa pang upuan. Hindi na niya inilapat ang pinto. Baka mas maghinala ang mga kapit-bahay na may milagro silang ginagawa ni David sa loob.
BINABASA MO ANG
David of New York Meets Esang ng Tondo
RomanceWhat happens when a New Yorker meets a Tondo Girl? Riot kaya gaya ng pagkakaiba ng mundong ginagalawan nila? O mabubuo ang pagmamahalang walang kinikilalang estado sa buhay?