Chapter 5

56 6 2
                                    


"This is not yet your true power Zion"

AN: short update lang po ito kaya inaaasahan kong babasahin niyo parin ito.

Kamsahamnida!

                   •~•~•~•~•~•~•~•~•
  
Zion's POV

Humiga ako sa bathdub at inilubog ko ang aking mukha.

Ang sarap sa pakiramdam ng nagiisa damang dama ko ang lamig ng tubig sa buo kong katawan.

Pagkamulat ng aking mga mata bumungad sa akin ang madilim na kagubatan tanging liwanag lang ng buwan ang  bumabalot sa madilim na kagubatan. Bahagya akong napaurong dahil nagpakita siya. Ang kanyang maamong mukha at kaniyang ngiti na hinding hindi mawawala sa kanyang labi.

"Hello Zion nagkita ulit tayo"sabi niya at unti unting umapak sa lupa.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko at tanging ngiti ang kanyang isinukli.

"Do you still remember the last dream you had?"mahinhing sabi niya at ibinuka niya ang kanyang palad at may lumabas na itim na bola. Itinaas niya ang kanyang kamay at itinapat sa direksyon ko. Agad niya itong itinama sa akin ngunit inilagan ko ito at nawasak ang punong nasa aking likuran.

"Release your true power before it's too late!" sabi niya at sunod-sunod niya akong tinira ng kanyang kapangyarihan. Tumakbo ako at inilagan ang bawat tira niya. Napunta ako sa dulo ng kagubatan at konting galaw ko lang ay mahuhulog ako sa malalim na bangin.

Nakangisi siya habang papalapit sa akin. Nanindig ang buo kong katawan. Ngayon hindi na itim ang ipinalabas niya kundi pinagsamang pula at itim. Nilaro niya ito sa kanyang kamay at nakangising tumingin sa akin.

"Release or die!"

Napapikit ako at hinintay na matamaan ako ng kanyang kapangyarihan. Ilang minuto akong hindi kumikibo dahil sa takot. Pagkamulat ng aking mga mata huminto ang buong paligid pati ang oras huminto. Napansin kong nakalutang sa harap ko ang itim na bola.

Gumalaw ako sa aking kinatatayuan at hinawi ang bolang pinagsamang pula at itim. Naging abo ito at bumalik sa dati ang lahat.

Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"This is not yet your true power Zion"

Minulat ko ang aking mga mata at dali daling naligo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Wala paring pagbabago dating ako parin. Napahawak ako sa tenga ko at kinapa ang hikaw ko dahil maramdan kong umiilaw ito. Mula pagkabata nandito na ito sa aking tenga. Lagi silang lumalayo kapag nakikita ang hikaw ko na umiilaw. Hindi tulad ng mga ibang bata kapag nakikita ng magandang taglay ng ilaw ay namamangha sila pero sa iba ang tingin nila sa akin ay halimaw.

Napabuntong hininga ako at nagdamit ng simple. Bumaba ako sa kwarto ko at naabutan kong nagpipilow fight sila. Napailing ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng fresh milk at popcorn.

Agad akong pumunta sa sala kung saan nagpipilow fight ang mga baliw kong mga kaibigan.

Ang totoo talaga kung may mga fan meet at mga concert sa iba't ibang bansa sa hotel kami natutulog. kasama ang aming manager, stylist noona at mga staff. Taray diba? Kaya sa kasikatan namin sa buong mundo nakagawa kami ng mga movie na kami ang mga bida at nauso sa YouTube ang aming movie na gaya ng Flowers boys school,House of Secret at mga music video na kinagigiliwan ng fangirl or fanboy na ang tawag sa kanila ay bilang mga Bullets na labis na nagmamahal sa amin.

Umupo ako sa sofa at sinindihan ang flatscreen na T.V. Nanood ako ng soccer game at no pansin parin sila. Fine! Kaluluwa lang ako na napadpad sa hotel na ito. Mas lalo kong nilakasan ang volume ng T.V at napatigil sila sa kanilang ginagawa. Feel at home silang umupo sa sofa. tsk!

"Woo! Go Team Barcelona!" sigaw nila at iwinagayway ang mga kamay.

Tumayo ako at pumunta sa harap nila.

"Guys we have fan meet tomorrow"

"Oo nga no"sabay- sabay nilang pagsangayon.

Pumunta na ako sa kwarto. Namiss ko ang kwarto ko. Puro picture ng Groupo namin ang nandito at mga SECRET merchandise. Humiga ako sa kama ko at naramdaman ko na lamang na unti unting bumabagsak ang talukap ng aking mga mata.

👻👻👻👻👻👻👻

AN: thanks for supporting my story.

Vote comment and be a Fan 💖

♪☆♪☆♪☆♪☆♪☆♪☆♪☆

HopelessDarkFantom

Finding The Lost Princesses (On-going)Where stories live. Discover now