12: Cheers

42 1 0
                                    

[12] Cheers.

Wednesday. It's already 8AM at paparating na ako sa room. Yes, papunta pa lang ako. Binilisan ko na rin yung lakad ko. Nung narating ko na ang room, eksakto nag ring yung bell. Nang pag upo ko sa armchair ko, dumating na rin ang adviser namin para mag check ng attendance. Ang boring sana ng day na yon kaso lang nung binanggit ni sir yung Inter-Highschool Cheerleading Competition. BAYM! Nabuhayan ako, Umupo ako nang maayos at nakinig sa kanya.

 

"May Inter-HighSchool Cheerleading Competition tayo next month, at ang Goldenbridge University — HighSchool Department ay sasali sa kompetisyong ito, kaya yung gustong mag-audition, punta lang kayo sa gym mamayang hapon, pagkatapos ng klase. At yung mga old cheerleaders naman, kailangan din kayong pupunta sa gym for evaluation sa coach niyo at mag judge sa mga newbies. And please take note, magdala ng extra tshirt!"

Diba sabi ko sa inyo noon na Cheerleader ako noon? Well, actually old Cheerleader na ako dito! Since Grade 1 na kaya ako dito sa Goldenbridge University, Ewan ko ba kung bakit hindi ako nagsasawa sa school na 'to — baka magkakaroon ako nito ng Loyalty Award! Sana ngaaaa,

Pagkatapos nun, ayun na nga. The whole class, hindi ako nakinig. Eh pano yung nasa utak ko yung Cheerleading mamaya. Na-miss ko na kasi yung practice namin noon, sobrang saya talaga. At ngayon, gusto ko naman ma-experience yun! Si Cesstral naman, hindi niya type ang cheerleading eh, tinry ko nga siya noon, at pinilit ko pa! Sumubok naman siya, pero sa warm pa palang umayaw na siya, sobrang sakit daw talaga! Hindi daw niya kaya. Kaya inunderstand ko nlng.

At last! Ang pinaghihintay ko, yung audition sa mga newbies! At kami pa yung magju-judge. That's new! Umuwi pa nga ako kanina ng hapon para magkuha ng extra tshirt para nito.

Nandito na ako sa gym, nagbihis ng rubber shoes, t-shirt and shorts with cycling inside, para 'di makita yung singit ko. Nung pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako at umupo sa bleacher, wala pa nga si coach eh. Tumabi ako sa mga ka co-cheerleader rin aka closefriend ko! Si Mae. nag-iopen convo naman ako sa kanya.

"Marami-rami din yung gustong mag-audition no?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

"Halos 30+ nga sila ngayon eh, Mas marami din yung first year." Nagulat naman ako ng konti nung sinabi niyang first year.

"Kaya pala ang liliit nila."

Pagkatpos mag evaluate sa mga auditionees, lumabas naman si Coach K. at umupo kaming lahat. Maganda naman si Coach at may anak na siya iniwan nga siya ng asawa niya eh. Nakakalungkot! Nasa 30's na si coach pero parang nasa 27 years old pa siya, And yes, our coach is a girl.

Nung umupo na kaming lahat, may inannounce naman si Coach K.

"This October 30 is the qualifying round, Qualifiers. Which means, semi-finals pa lang. And the final will be on December 8. Afterwards, if mananalo tayo sa finals, you'll move forward to the National Cheerleading Competition Regionals. Now here's the rules."

Sinabi ni Coach K yung mga Do's and Don'ts  during practices like always wear rubber shoes, tie you hair, no warm up no practice, churvaloo eklavooo. Kahit nga sa mga kinakain nga namin eh, limited din! Kailangan kasi daw namin mag maintain ng weight. May nutrionist din kami. It's so sad. Pagkatapos nung rules and regulations nagsimula na kaming mag warm-up kasama ang mga newbies. Yung iba nga, sumigaw na sa sakit. At iba, hindi na kinaya tumulo na ang luha. Ganyan talaga yan, No Pain No Gain!

How to Make a Man Fall in Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon